Dating interview sa KathNiel tungkol sa loyalty, muling nag-viral

Dating interview sa KathNiel tungkol sa loyalty, muling nag-viral

- Muling nag0viral ang panayam kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung saan natanong sa kanila kung ano para sa kanila ang loyalty

- Unang sumagot si Kathryn at sinabi niyang ang loyalty para sa kanya ay nangangahulugang pagiging kontento at hindi na maghanap ng iba

- Tila hindi din ito ganun ka komportable matapos niyang sabihin ang kanyang sagot

- Para naman daw kay DJ, ang definition ng loyalty sa kanya ay ang aso niyang si Summer na tanggap daw siya kahit anong mangyari nang walang panghuhusga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Trending ang video ng KathNiel na kuha noong panahong umeere pa ang Too Good to be True. Sa naturang video ay naitanong sa dalawa kung ano para sa kanila ang loyalty.

Dating interview sa KathNiel tungkol sa loyalty, muling nag-viral
Dating interview sa KathNiel tungkol sa loyalty, muling nag-viral
Source: Instagram

Ayon kay Kathryn ang pagiging loyal ay pagiging kontento at hindi na naghahanap ng iba.

Read also

Kyline Alcantara, nagbahagi ng post tungkol sa self-love

“Loyalty for me is being contented. Because if you’re contented, you won’t look for anymore person. So, loyalty for me is for your contentment.”

Para naman kay Daniel, pinaka-loyal daw ang aso niyang si Summer.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Alam mo sino’ng pinaka-loyal? ‘Yung aso ko, si Summer. ‘Yun ang pinaka-loyal. Doon ko makikita ang definition ng loyalty, na kung anuman ang pinagdaraanan ko ngayon, kung anuman ang emosyon ko ngayon o kung sino ako ngayon, tatanggapin ako nang buong-buo. ‘Yun ang loyalty. Walang judgement kung sino ako.”

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Read also

Boy Abunda: "Umiyak ako para sa Kathniel as a fan and as a friend"

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel