Alex Gonzaga, nahampas ni Mommy Pinty matapos magulat sa video na pinapanuod nito

Alex Gonzaga, nahampas ni Mommy Pinty matapos magulat sa video na pinapanuod nito

- Ibinahagi ni Alex Gonzaga sa TikTok ang video ng reaksiyon ng kanyang Mommy Pinty

- Ani Alex, inutusan daw siya ng kanyang ate na i-video ang mommy nila dahil may iapapanuod daw ito sa kanya

- Makikitang nanonood si Mommy Pinty sa cellphone na sa kanyang harap habang kumukuha naman ng video si Alex

- Nagulat ang mommy nila sa pinapanuod nito at hindi nito napigilang hampasin si Alex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video ni Alex Gonzaga kung saan pinakita niya ang reaksiyon ng kanyang Mommy Pinty sa pinapanood nitong video. Ayon kay Alex, ang kanyang ate ang nagsabing i-video niya ang kanilang mommy.

Alex Gonzaga, nahampas ni Mommy Pinty matapos magulat sa video na pinapanuod nito
Alex Gonzaga, nahampas ni Mommy Pinty matapos magulat sa video na pinapanuod nito
Source: Instagram

Pinanood naman ni Mommy Pinty ang video na gustong ipapanuod sa kanya ni Toni. Lingid sa kaalaman niya ay may panggulat sa bandang huling bahagi ng video kaya hindi niya ito napaghandaan.

Read also

Vice Ganda, inalala ang GGV episode na si Aga ang guest at nagkakilala sila ni Ion Perez

Bigla niyang nahampas si Alex kahit hindi naman si Alex ang nagsabing panuorin niya iyon. Kaya naman, nasabi na lamang ni Alex na ang ate niya ang nagsabi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate