Gloria Diaz, nagbigay ng kanyang rating kay Michelle Dee sa performance nito sa Miss Universe 2023

Gloria Diaz, nagbigay ng kanyang rating kay Michelle Dee sa performance nito sa Miss Universe 2023

- Puring-puri ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz si Miss International 1979 Melanie Marquez at maging ang anak nitong si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee

- Sa isang panayam na binahagi ng ABS-CBN news ay sinabi niyang marami siyang nakikitang katangian ni Melanie sa anak nito

- Para sa kanya, 10 ang rating niya kay Melanie ngunit kung ikukumpara daw si Michelle ay 8 ang kanyang rating sa Miss Universe Philippines 2023

- Matatandaang kabilang si Gloria sa Miss International 1979 panel of judges kung saan nanalo si Melanie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Puring-puri ni Gloria Diaz ang mag-inang Melanie Marquez at Michelle Marquez Dee. Sa isang panayam na binahagi sa ABS-CBN news, inihayag niya ang kanyang rating kay Melanie at Michelle.

Gloria Diaz, nagbigay ng kanyang rating kay Michelle Dee sa performance nito sa Miss Universe 2023
Gloria Diaz, nagbigay ng kanyang rating kay Michelle Dee sa performance nito sa Miss Universe 2023
Source: Instagram

Sa ginanap na press-conference of Metro Manila Film Festival entry “Mallari,” nabanggit niya na 10 ang kanyang rating para kay Melanie.

Read also

Vice, proud kay Kim Chiu: "The most in demand and the most successful actress now"

“On a scale of 1-10 si Melanie, who was Miss International, na doon ako nag-judge, talagang gusto ko si Melanie noon. She was a 10,”

Marami daw katangian si Melanie na tinataglay din ng anak ngunit 8 ang kanyang rating dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“And of course, her daughter — I supported her too. She has everything like Melanie, height, grace, everything. But compared to Melanie, she was an 8,”

Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Nagbahagi ng mensahe si Michelle Dee sa kabila ng mga reaksiyon sa lumabas na video kung saan kasama niya ang Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip. Sa halip na magreklamo ay nanatiling positibo ang mensaheng kanyang pinarating lalo na sa kanyang supporters na hindi natuwa sa video. Sa kanyang Instagram story ay sinabi niyang pairalin ang 'love, empathy at kindness. Matatandaang maging ang kaibigan ni Michelle na si Rhian Ramos ay umalma sa naturang video.

Read also

Paolo Contis, sa umano'y kumalat na sweet photos nila ni Arra: "it was maliciously edited"

Binahagi ni Rhian Ramos ang isang video reel kung saan makikitang magkasama sina Michelle at ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip. Inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa video na ibinahagi ng Instagram page na may handle na @forthephilippines. Aniya, hindi niya masikmura ang naturang video kung saan nagsasalita si Anne at nabanggit ang Philippines, Thailand at ''they cannot move on." Base sa mga komento, ang sinabi daw ni Anne ay sabihan ni Michelle ang mga taga-Thailand dahil hindi daw sila maka move on.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate