Vice Ganda, pinasaya ang staff ng It's Showtime sa kanyang maagang pamasko

Vice Ganda, pinasaya ang staff ng It's Showtime sa kanyang maagang pamasko

- Binahagi sa YouTube channel ni Kulot ang video ng pangangaroling ng staff ng It's Showtime

- Si Vice Ganda ang pinuntahan nila at kinantahan gamit ang videoke machine na kanilang dala

- Nakisaya naman si Vice Ganda sa kanila at nakikanta pa sa mga ito

- Kinalaunan ay naglabas siya ng pera na kanyang pinamigay sa mga staff

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Namigay si Vice Ganda ng pera sa mga staff ng It's Showtime na nangaroling. Tuwang-tuwa ang mga staff nang maglabas si Vice Ganda ng perang kanyang ipinamudmod sa kanila.

Vice Ganda, pinasaya ang staff ng It's Showtime sa kanyang maagang pamasko
Vice Ganda, pinasaya ang staff ng It's Showtime sa kanyang maagang pamasko
Source: Instagram

Sa video na binahagi sa YouTube channel ni Kulot, makikita ang staff ng noontime show na kumakanta habang iniisa-isa ang mga dressing room.

Nangaroling sila kay Vice Ganda na nasa kanyang dressing room at nakaupo sa harap ng salamin.

Read also

Maxene Magalona, kinabiliban sa kanyang 'Mga Kababayan ko' performance

Masaya namang nakipagkulitan si Vice Ganda sa kanila habang kumakanta. Kinalaunan ay naglabas ng pera si Vice at pinamigay sa mga staff na sunod namang nangaroling naman kay Kim Chiu.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Read also

Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate