Sheynnis Palacios, pinakaunang Miss Universe mula sa bansang Nicaragua

Sheynnis Palacios, pinakaunang Miss Universe mula sa bansang Nicaragua

- Si Sheynnis Palacios umano ang pinakaunang Miss Universe na mula sa bansang Nicaragua

- Siya ang nakasungkit ng korona mula sa 72nd Miss Universe na ginanap sa El Salvador

- 1st runner-up niya si Miss Thailand habang 2nd runner up naman si Miss Australia

- Samantala, ang pamabato ng Pilipinas na si Michelle Dee ay pinalad na makaabot sa top 10

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masasabing makasaysayan ang pagkapanalo ni Sheynnis Palacios ng bansang Nicaragua sa katatapos lamang na 72nd Miss Universe sa El Salvador.

Sheynnis Palacios, pinakaunang Miss Universe mula sa bansang Nicaragua
Sheynnis Palacios, pinakaunang Miss Universe mula sa bansang Nicaragua
Source: Facebook

Ito ay dahil siya ang pinakaunang nakasungkit ng korona sa Miss Universe sa kanilang bansa.

Taong 1955 pa umano nang magsimulang lumahok sa mga beauty pageants ang kanilang bansa subalit hindi ito pinapalad sa Miss Universe.

Ilan sa kanilang napanalunan ay ang Miss Teenage Intercontinental 1976 & Miss Tourism Latin America 1976, Miss América Latina 1992, Miss Mundo Latin Internacional 2002, Miss Expo World 2004, Miss Teen International 2011, World Miss University 2006 at Miss Teen Américas 2015.

Read also

Hibla ng buhok at dugo na nakita sa abandonadong SUV, kumpirmadong kay Catherine Camilon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Katunayan, taong 1996, hindi sila lumahok sa Miss Universe sa di nabanggit na kadahilanan.

Subalit ngayong 2023, nagmarka ang pangalan ni Sheynnis Palacios na di lamang Miss Universe ngayong taon subalit bilang pinakaunang nagkamit ng titulong ito sa kanilang bansa.

Samantala, ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee ay pinalad na makaabot sa top 10. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez. Naging agaw eksena kamakailan ang pagpapakilala ni Michelle sa pre-pageant ng 72nd Miss Universe dahil sa halip na Philippines ang sabihin nito para sa kinakatawang bansa, "Filipinas" ang kanyang ginamit.

Marami din umano ang napa-wow sa national costume ni Michelle para sa naturang pageant na tila isang eroplano na sumasalamin umano sa magagandang destinasyon at katangian ng Pilipinas at mga Pilipino. "Resilient, radiant at ready to embrace the Universe" ang sinasalamin ng national costume ni Michelle.

Read also

Rhian Ramos, umalma sa aniya'y uncomfortable video ni MMD kasama si Anne Jakrajutatip

Todo suporta naman sa kanya ang kanyang inang si Melanie na aminadong nakaramdam ng kaba sa pagsabak ng anak sa naturang pageant. Gayunpaman, proud siya sa pinakikitang focus at determinasyon nito sa pagkamit ng korona. Katunayan, maging ang pinakaunang Miss Universe mula sa Pilipinas na si Miss Gloria Diaz ay naniniwalang papasok sa top 5 si Michelle.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica