Melai, sa showbiz career ni Jason: "Hindi naman siguro sa pag-quit"

Melai, sa showbiz career ni Jason: "Hindi naman siguro sa pag-quit"

- Natanong ni Ogie Diaz si Melai Cantiveros-Francisco patungkol sa mister nitong si Jason Francisco

- Lalo na at hindi na umano ito napapagkita sa pelikula o maging sa telebisyon

- Biniro pa ni Melai si Ogie na si Jason na lamang ang tanungin sana ni Ogie ngunit nagbigay din naman siya ng ilang detalye tungkol sa pinagkakaabalahan ng mister

- Sa ngayon, abala si Melai sa kanyang papalabas na pelikula ang Ma'am Chief Shakedown in Seoul

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz sa panayam niya kay Melai Cantiveros-Francisco ay ang tungkol sa mister nitong si Jason Francisco.

Melai, sa showbiz career ni Jason: "Hindi naman siguro sa pag-quit"
Melai Cantiveros-Francisco and Jason Francisco (Melai Cantiveros - Francisco)
Source: Facebook

Kinumusta ni Ogie si Jason na umano'y hindi na napapanood sa pelikula man o sa telebisyon.

"Ayaw niyang pasabi pero paganun na talaga... Hindi naman siguro sa pag-quit. Minsan talaga ang mga lalake dumadaan ba yan sa mga ganun. Sa mga ansa-anxiety mga ganun" ani Melai patungkol sa mister na unti-unti umanong kumakawala sa showbiz.

Read also

Ogie D sa Kathniel issue: "'Yung mga naglalabasan, 'di sa'kin nagsimula ito, gusto ko lang linawin"

"Medyo humihinga lang din siya pero dumating na siya sa point na mag-focus sa mga bata and mag-focus siya sa mga side trip niya na mga negosyo," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Depende kung gustung-gusto niya yung project, saka niya tatanggapin"

Natanong din ni Ogie kung na-frustrate o na-disappoint ba si Jason para tabangan umano ito sa pag-aartista.

"Kasama naman ang frustration sa buhay natin kapag humaharap tayo sa... kahit hindi naman sa showbiz, kahit sa trabaho na normal... may frustration talaga. Nasa sayo lang yung kaya mo pang labanan o hindi. siyempre may mga trauma-trauma pa nga siya. Mga experience sa buhay so nadadala niya o napi-pressure siya. So iniintindi ko nalang siya sa time na ganun," ang naging sagot naman ni Melai.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie kay Melai mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Inspires:

Read also

Melai, naloka sa makulit na reaksyon ng mga anak nang mag-away sila noon ni Jason

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Matatandaang makailang beses na tayong napasaya rin ng mga anak nina Melai at Jason na sina Mela at Stela. Isa na rito ang chicken nuggets reaction ng magkapatid na talagang kinagiliwan ng marami. Dahil dito, may ilang nagsabi na sana'y gawing reality show ang pamilya nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel