The Voice Kids Season 3 contestant na si Yohance Buie, pumanaw na sa edad na 17

The Voice Kids Season 3 contestant na si Yohance Buie, pumanaw na sa edad na 17

- Pumanaw na sa edad na 17 ang "The Voice Kids" contestant na si Yohance Buie

- Inanunsyo nito ng talent management niyang Virtual Playground noong Nobyembre 11

- Napanood din si Yohance sa "Day Zero" ng Reality MM Studios sa Amazon Prime at "The Day I Loved You" ng Regal YouTube

- Base sa post ng Virtual Playground, maaring mabisita ang labi ni Yohance sa St. Peter's Antipolo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pumanaw na ang The Voice Kids Season 3 contestant na si Yohance Levi Buie sa edad na 17.

The Voice Kids Season 3 contestant na si Yohance Buie, pumanaw na sa edad na 17
Yohance Buie (Virtual Playground)
Source: Facebook

Matatandaang noong 2016, napabilang pa si Yohance sa team Sharon ng nasabing singing contest.

Nito lamang Nobyembre 11, inanunsyo ng kinabibilangang talent management ni Yohance, ang Virtual Playground ang pagpanaw nito.

"It is with heavy hearts that we announce the passing of YOHANCE LEVI A. BUIE. We are deeply saddened by this loss, and our thoughts and prayers go out to his family and loved ones during this difficult time."

Read also

Rendon Labador, sa pag-walkout ni Janno Gibbs: "Sana walang bastusan sa show"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bukod sa The Voice Kids ng ABS-CBN, napanood din si Yohance ilang proyekto kung saan nakita ang kanyang talento sa pag-arte.

Base na rin sa post ng Virtual Playground, maaring mabisita ang labi ni Yohance sa St. Peter Antipolo.

Narito ang kabuuan ng post:

Ang The Voice Kids ay ang singing contest na pinanggalingan ng ilan sa mga sikat na mang-aawit ngayon tulad nina JK Labajo, Darren Espanto, Elha Nympha, Lyca Gairanod at maging si Kyle Echarri.

Nagsimula ito noong 2014 kung saan ang mga naging coach ay sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo. Sa 3rd season nito, pumasok na rin bilang coach si Sharon Cuneta at pagdating ng 5th season nito, pumalit sina Martin Nievera at KZ Tandingan kina Sarah G At Lea Salonga.

Read also

Ogie Diaz, nagpaliwanag ukol sa tsismis ukol kay Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Noong Marso ng kasalukuyang taon, tinanghal ang pinakabagong The Voice Kids winner na si Shane Bernabe ng Team Bamboo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica