Kim Chiu, 'pinagkaisahan' ng It's Showtime staff sa gigil nila kay Juliana

Kim Chiu, 'pinagkaisahan' ng It's Showtime staff sa gigil nila kay Juliana

- Pinasilip ni Kim Chiu ang mga sinabi sa kanya ng ilang It's Showtime staff matapos lumabas ang mga bagong episode ng 'Linlang'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ani Kim, imbes na ma-stress sila sa Magpasikat preparation mas apektado pa sila sa 'Linlang'

- Hindi maitago ng ilan sa kanila ang kanilang pagkaasar sa karakter na ginagampanan ni Kim sa naturang serye

- Hirit pa ng isa sa kanila, mabuting ina daw si Juliana pero hindi ito mabuting asawa

Natawa si Kim Chiu sa reaksiyon ng ilang It's Showtime staff matapos lumabas ang pinakabagong dalawang episodes ng 'Linlang'. Aniya, imbes na ma-stress ang mga ito sa kanilang Magpasikat presentation, mas apektado pa ang mga ito sa Linlang.

Kim Chiu, 'pinagkaisahan' ng It's Showtime staff sa gigil nila kay Juliana
Kim Chiu, 'pinagkaisahan' ng It's Showtime staff sa gigil nila kay Juliana
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Vice Ganda, pinasilip ang pamamasyal nila sa South Korea

Nagsalitan ang mga ito sa pagsasalita at paghahayag ng kanilang asar kay Juliana. Ayon pa sa isa, nakakagigil yung kulot ni Juliana.

Hirit pa ng isa sa kanila, mabuting ina daw si Juliana pero hindi ito mabuting asawa. Ngayong araw ay inilabas ang pinakabagong dalawang episodes ng Linlang kaya nabuhay na naman ang asar ng mga manonood kay Kim dahil sa kanyang pagganap bilang si Juliana.

Kim Chiu, 'pinagkaisahan' ng It's Showtime staff sa gigil nila kay Juliana
Kim Chiu, 'pinagkaisahan' ng It's Showtime staff sa gigil nila kay Juliana
Source: Instagram

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Read also

Maricel Soriano, aminadong awang-awa kay Kim Chiu dahil sa sampalan scenes nila

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate