MJ Lastimosa, binahaging may disclaimer ang kanyang YouTube videos

MJ Lastimosa, binahaging may disclaimer ang kanyang YouTube videos

- Sa Facebook post ni MJ Lastimosa, pinaalala niyang may disclaimer ang kanilang YouTube videos

- Ito ay sa gitna pa rin ng kontrobersiyal na naging pahayag ng MGI founder bilang reaksiyon nito sa video clip na kuha sa interview ni MJ sa isang transgender beauty queen

- Nakalagay sa disclaimer ang tungkol sa opinyon ng guest na hindi sumasalamin sa opinyon ng host at management

- Ani MJ, baka kailangan lang itranslate para maintindihan ng mga tao na maaring magkaiba sila ng opinyon ng guest niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si MJ Lastimosa ng screenshot ng disclaimer na makikita sa kanyang YouTube videos. Paalala ito na ang opinyon ng guest na hindi sumasalamin sa opinyon ng host at management.

MJ Lastimosa, binahaging may disclaimer ang kanyang YouTube videos
MJ Lastimosa, binahaging may disclaimer ang kanyang YouTube videos
Source: Instagram

Matatandaang ang nag-viral na video clip na ikinagalit ng MGI founder ay bahagi lamang ng kanyang YouTube videos kung saan naitanong niya sa kanyang guest kung ano sa tingin niya ang worst pageant.

Read also

MJ Lastimosa, deadma sa isyu: "Ahay ambot sa inyo"

Ani MJ, baka kailangan lang itranslate para maintindihan ng mga tao na maaring magkaiba sila ng opinyon ng guest niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Mary Jean Ramirez Lastimosa o mas kilala bilang si MJ Lastimosa ay isang Filipino-Arabian model, host, actress, TV presenter at beauty pageant titleholder. Kinoronahan siya bilang Miss Universe Philippines 2014 at kumatawan sa bansa sa Miss Universe 2014 pageant at nakapasok sa Top 10 semifinalist.

Dumipensa si MJ matapos umani ng reaksiyon ang kanyang komento sa paglalakad ni Miss Universe Thailand Amanda Obdam. Isang video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan maririnig ang kanyang komentong ginaya umano nito ang lakad ni Catriona Gray. Isa si MJ sa mga naroroon sa mismong venue at nakapanood ng live sa naganap na swimsuit competition ng Miss Universe 2020. Nilinaw naman ni MJ na hindi siya nang-aaway at naghayag lamang siya ng kanyang opinyon base sa kanyang nakita.

Sa kanyang Instagram story ay pabirong tinawag ni Rabiya Mateo ang kaibigang si MJ. Ito ay matapos nitong magbahagi ng suporta kasunod ng kanyang pagkadulas sa stage kaya napaluhod ito. Gayunpaman, hinangaan ng marami si Rabiya kung paano ito bumangon at tumayo sa entablado. Biro pa ni Rabiya, narinig niyang tumatawa si MJ nang madulas siya sa stage.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate