Ivana Alawi, kumasa sa buy everything Baby Gab touches challenge; ilang iPhone 15, binili

Ivana Alawi, kumasa sa buy everything Baby Gab touches challenge; ilang iPhone 15, binili

- Kumasa si Ivana Alawi sa buy everthing Baby Gab touches challenge para sa kanyang pamangkin

- Matatandaang si Gabriel ang nag-iisa pa lamang na pamangkin ni Ivana sa kanyang Ate Amira

- At dahil lahat ng hahawakan ni Gabriel ay bibilhin ni Ivana, napabili rin tuloy ito ng iPhone 15

- Dahil ilan ang kanyang nabili, naisipan niya itong ipamigay sa kanyang mga subscribers

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ipinag-shopping ni Ivana Alawi ang kanyang pamangkin na si Gabriel nang siya ay kumasa sa buy everthing Baby Gab touches challenge sa kanyang YouTube channel.

Ivana Alawi, kumasa sa buy everthing Baby Gab touches challenge; ilang iPhone 15, binili
Ivana Alawi kasama ang pamangkin na si Gabriel (Ivana Alawi YouTube)
Source: Youtube

Kitang-kita ang saya ni Gabriel nang ibili siya ng kanyang 'Mamita' Ivana ng lahat ng mahawakan niyang laruan, mga damit at sapatos.

Dumating pa sa puntong mismong si Gab na ang nagsabing sapat na ang nabili ngunit dahil lalong natuwa sa kanya si Ivana, pinapili pa rin niya ito ng iba pang pwede bilhin.

Read also

Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"

Subalit dala ng kakulitan ng kanyang Tito Hash, napahawak din si Gab sa pinakabagong iPhone 15 kaya naman napabili rin nito si Ivana.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi lamang isa ang nabili ni Ivana dahil sa kulay na pinili ni Baby Gab.

Samantala, naisipan naman ni Ivana na ipamigay ang mga bagong iPhone 15 sa mapipiling masuwerteng subscribers niya na sumusuporta sa kanya.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa challenge na ito mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Sarina Hilario, kinaaliwan sa pagsayaw niya kasama ang Streetboys

Kamakailan lang, na-prank muli ni Ivana si Mona bago niya ito bigyan bonggang surpresa. Talagang naiyak si Mona sa pag-aakalang totoong may nakainitan ng ulo ang kanyang ate sa away trapiko na set-up lamang. Matapos ito, ibinigay ni Ivana ang regalong kotse kay Mona na nagdiwang ng kanyang 19th birthday noong August 19.

Isa rin sa kinatuwa ngayon ng kanyang fans ni Ivana ay ang pagkakasama nito ngayon sa cast ng FPJ Batang Quiapo. Gumulantang sa publiko ang kanyang paglabas sa naturang serye bilang si Bubbles.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: