Vice Ganda kay Kim Chiu: "You deserve the best, you deserve love"

Vice Ganda kay Kim Chiu: "You deserve the best, you deserve love"

- Puring-puri ni Vice Ganda si Kim Chiu sa "It's Showtime" sa gitna ng lumabas na mga espikulasyon kaugnay sa buhay pag-ibig nito

- Muling naging usap-usapan ang tungkol sa isyung ito nang mapansin ng marami na burado na sa YouTube channel ni Xian Lim ang marami sa kanyang mga video

- Tatlo na lamang ang natirang video nito at wala na ang vlogs na kasama niya si Kim

- Ani Vice, maganda si Kim, maganda ang puso niya at deserve nito ang pagmamahal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Puring-puri ni Vice Ganda si Kim Chiu sa episode ng It's Showtime ngayong araw. Ani Vice, maganda si Kim, maganda ang puso niya at deserve nito ang pagmamahal.

Vice Ganda kay Kim Chiu: "You deserve the best, you deserve love"
Vice Ganda kay Kim Chiu: "You deserve the best, you deserve love"
Source: Instagram

Sa segment na Expecially For You, napag-usapan nila ang tungkol sa dahilan ng paghihiwalay ng contestant at ng ex nito.

Read also

Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

Kinalaunan ay napansin ni Vice Ganda si Kim na nanahimik. Biniro siya nito na dadalo daw ito sa JS. Kasunod nito ay sinabi ni Vice na maganda si Kim at maganda ang puso nito. Aniya, deserve ni Kim ng love at niyakap niya ito.

“Maganda ka. Mabuti kang tao. Maganda ang mukha mo. Maganda ang puso mo. YOU DESERVED THE BEST. YOU DESERVED LOVE.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngayong araw nga ay umingay lalo ang espikulasyon tungkol sa umano'y paghihiwalay nila ni Xian Lim. Ito ay matapos mapansin ng netizens na burado na ang vlogs ni Xian na kasama si Kim. Tatlong videos na lamang ang natitira sa kanyang YouTube channel.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Read also

Ogie D, nalaman sa source ang umano'y hiwalayang KimXi: "Siguro mga 2 months na"

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate