Toni Fowler, pinagsabihan si Vince Flores nang mapagalitan nito si Tyronia Fowler

Toni Fowler, pinagsabihan si Vince Flores nang mapagalitan nito si Tyronia Fowler

- Pinagsabihan ni Toni Fowler ang kanyang boyfriend na si Vince Flores matapos pangaralan ni Vince si Tyronia

- Katwiran ni Toni, walang karapatan si Vince na pagsalitaan si Tyronia at makikipaghiwalay daw siya pag hindi tinanggap ni Tyronia ang pag-so-sorry ni Vince

- Naiyak naman si Tyronia nang sabihin ni Toni sa kanya na hihiwalayan niya si Vince pag hindi sila nagkaayos

- Ayon kay Tyronia, ayaw niyang mawala si Vince dahil ito na ang tumayong ama niya matapos daw siya iwan ng kanyang biological father

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagalit si Toni Fowler kay Vince Flores dahil napagtaasan daw nito ng boses si Tyronia. Umabot sa punto na sinabi ni Toni kay Vince na handa siyang iwan ito pag hindi sila naging okay ni Tyronia.

Toni Fowler, pinagsabihan si Vince Flores nang mapagalitan nito si Tyronia Fowler
Toni Fowler, pinagsabihan si Vince Flores nang mapagalitan nito si Tyronia Fowler
Source: Youtube

Sa reality show na binabahagi ni Toni sa kanyang YouTube channel ay makikita ang pagsundo nila kay Tyronia sa paaralan. Hindi ito agad nakalabas kaya sinabi ni Vince na napipikon na siya rito dahil hindi daw nito sinasagot ang tawag niya.

Read also

Bea, binahagi ang paalala ng nanay niya: "You can never seduce a happy husband"

Ikinagalit ni Toni ito dahil ang usapan daw nila ay hindi si Vince ang magdidisiplina kay Tyronia dahil papel daw niya yun bilang ina.

Paliwanag naman ni Vince, nadala na siya ng takot dahil ayaw niyang may mangyaring masama kay Tyronia.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinausap naman ni Vince si Tyronia para paliwanagan. Naiyak si Tyronia nang sabihin ni Toni sa kanya na hihiwalayan niya si Vince pag hindi sila nagkaayos. Ayaw daw niyang mawala si Vince dahil ito na ang tumayong ama niya matapos daw siya iwan ng kanyang biological father.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Read also

Joel Lamangan bilang si Roda: "Bakit ba kayo natutuwa sa akin, ang sama-sama kong tao?"

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate