Ricardo Cepeda, inakalang 'prank' lang ang nangyari nang arestuhin siya

Ricardo Cepeda, inakalang 'prank' lang ang nangyari nang arestuhin siya

- Nakapanayam ni Julius Babao ang aktor na si Ricardo Cepeda sa tatlong linggo na pamamalagi nito sa kulungan

- Naibahagi ni Ricardo ang kanyang saloobin nang pinuntahan siya ng otoridad para aristuhin sa isang ribbon cutting event

- Aniya, inakala niyang prank lang daw ang lahat dahil wala siyang ideya na may nasampang kaso sa kanya

- Ibinahagi niya rin ang kanyang kalagayan sa loob ng kulungan kasama ang iba pang detainee

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inakala raw ni Ricardo Cepeda na binibiro lamang siya at prank lang ang pagkakaaresto sa kanya sa isang ribbon cutting event na kanyang pinuntahan. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, sinabi niyang wala siyang kaalam-alam na may isinampang kaso sa kanya.

Ricardo Cepeda, inakalang 'prank' lang ang nangyari nang arestuhin siya
Ricardo Cepeda, inakalang 'prank' lang ang nangyari nang arestuhin siya (Julius babao UNPLUGGED/YouTube
Source: Youtube

Naibahagi niya rin na hindi madali ang kanyang naging buhay sa piitan sa kanyang tatlong linggong pamamalagi doon kung saan nakasama niya ang iba pang detainee.

Read also

Zeinab Harake: "Talagang masasabi kong mahal na mahal ko 'yong jowa ko"

Nang matanong siya ni Julius kung ano ang kanyang pinakahinahangad ngayong darating na Pasko, sinabi niyang 'freedom' ang kanyang hiling.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ricardo Cepeda na si Richard Cesar Cepeda Go sa totoong buhay ay isang Pinoy na beteranong aktor na gumawa ng pangalan sa mundo ng telebisyon at pelikula. Siya ay 57 taong gulang, ipinanganak noong Oktubre 11, 1964. Nakilala siya sa mga pelikula kagaya ng “Una Kang Naging Akin” na lumabas noong taong 2008, Kaya Kong Abutin Ang Langit at sa TV series na Ang Probinsyano. Siya ang dating asawa ng aktres na si Snooky Serna.

Sa isang TikTok video ay ipinagtanggol ni Marina Benipayo ang kanyang kinakasama na si Ricardo Cepeda, matapos arestuhin ang huli dahil sa umano'y syndicated estafa. Sa nasabing clip, pinabulaanan ng beteranang aktres ang sinasabing sangkot si Ricardo sa estafa. Marami ang nag-react sa kanyang post, kabilang si Gardo Versoza. Ipinahayag ni Gardo ang kanyang pagmamalasakit sa mag-asawa, at ikinuwento rin niya ang kabutihang loob ni Ricardo sa kanya.

Read also

Rica Peralejo sa viral church lipat video: "I was really bothered when I saw the video"

Nagbigay ng pahayag si Ricardo sa 24 Oras ng GMA News tungkol sa kanyang pagkakaaresto dahil sa alegasyon ng syndicated estafa. Ayon kay Cepeda, nabigla siya sa pagkakaaresto. Ipinaliwanag niya na isa lamang siyang modelo ng kumpanya at hindi bahagi ng negosyo nito. Ikinalungkot din ng aktor ang epekto ng sitwasyon sa kanyang buhay at karera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate