Cristy ukol kay Gaile Francesca: "Bigyan po natin ng palugit sa ating puso ang bata"

Cristy ukol kay Gaile Francesca: "Bigyan po natin ng palugit sa ating puso ang bata"

- Natalakay nina Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ang kontrobersyal na rebelasyon ni Abegail Rait

- Ito ang nagpakilala kamakailan na nakarelasyon umano ng yumaong celebrity na si Francis Magalona

- Ani Cristy, hindi na sana nadadamay sa 'di kagandahang komento ng ilan ang sinasabing anak nina Abegail at Francis na si Gaile Francesca

- Naging usap-usapan din kamakailan si Gaile dahil sa mga talentong namana umano nito sa kanyang ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging sa Showbiz Now Na! ay napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang kontrobersyal na rebelasyon ni Abegail Rait sa Pinoy Pawnstars kamakailan.

Cristy ukol kay Gaile Francesca: "Bigyan po natin ng palugit sa ating puso ang bata"
Gaile Francesca at inang si Abegail Rait (Boss Toyo Production YouTube)
Source: Facebook

Si Abegail ay nagpakilalang karelasyon ng namayapa nang Master Rapper na si Francis Magalona.

Ani Abegail, 15 taon silang nanahimik umano ng anak nila ni Francis na si Gaile Francesca.

Read also

Cristy, sa pabalik-balik na isyung hiwalay na ang Kathniel: "Palagay ko sila pa rin"

Kasama rin niya si Gaile sa naturang episode ng Pinoy Pawnstars at marami sa mga nakapanood ang hindi mapagkailang anak nga ito ni Francis M.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Subalit sa kabila nito, hindi maiiwasang magtamo ang mga ito ng pambabatikos lalo na at ang alam ng lahat na kasal umano si Francis Magalona kay Pia Magalona.

Kaya naman pakiusap ni Cristy Fermin na sana'y huwag nang idamay pa si Gaile sa mga bashing na natatamo ng ina nito kaugnay ng kanilang rebelasyon.

"Pero yung kay Gail Francesca, 'wag naman po nating idamay ang bata sa ganitong pagkakataon," ani Cristy na aniya'y hindi naman mapipili ng bata ang kanyang magulang at magiging kalagayan sa buhay.

"Bigyan po natin ng palugit sa ating puso ang bata," pakiusap pa ni Cristy lalo na at tila nais din umano nitong pumasok sa mundo ng showbiz.

Read also

Boss Toyo, tumangging ibenta ang Francis M collection niya sa halagang 8M

Ilang videos na kasi ni Gaile ang mapapanood kung ano-ano ang mga namana niya sa kanyang Daddy Francis.

Isa na rito ang pag-rap na mapapanood din sa nasabing episode ng Pinoy Pawnstars kasama si Boss Toyo.

Samantala, narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa kanyang Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Francis Michael Durango Magalona na mas kilala bilang si Francis M ay isang Filipino rapper, singer, songwriter, entrepreneur, actor, at television personality. Siya ang maituturin gn haligi ng Pinoy hip-hop industry. Si Francis M ang ama ng mga showbiz personality na sina Maxene Magalona at Elmo Magalona. Marso ng 2009, binawian ng buhay si Francis M dahil umano sa leukemia.

Samantala, matatandaang naging bahagi rin ng Eat Bulaga si Francis M kung saan umano nito nakilala si Abegail. Sa naturang programa rin isinapubliko ang kanyang pagpanaw na pansamantalang nagpatigil noon sa programa upang alayan siya ng panalangin.

Read also

Mickey Ablan at Janna Dominguez, umalma sa isang basher

Matatandaang kamakailan lamang, inalala siya ng anak na si Maxene Magalona na naibahagi ang kanayang naging interview sa ama noong 1996.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel