Cristy, sa pabalik-balik na isyung hiwalay na ang Kathniel: "Palagay ko sila pa rin"

Cristy, sa pabalik-balik na isyung hiwalay na ang Kathniel: "Palagay ko sila pa rin"

- Natalakay sa Showbiz Now Na! ang umano'y pabalik-balik na isyu ng hiwalayan ng Kathniel

- Tila hindi raw mamatay-matay ang naturang isyu lalo na at hindi madalas makitang magkasama ang dalawa

- Gayunpaman, maging si Cristy ay hindi umano naniniwalang hiwalay na ang dalawa

- Aniya, sakaling totoo man ang isyung ito, tiyak na marami umanong malulungkot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang umano'y pabalik-balik na isyu ng hiwalayan 'di umano ng Kathniel.

Cristy, sa pabalik-balik na isyung hiwalay na ang Kathniel: "Palagay ko sila pa rin"
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (@supremo_dp)
Source: Facebook

Matagal-tagal na rin umanong umuugong na tapos na umano ang relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"Pabalik-balik po 'yung kwento at ikalulungkot natin kung totoo nga yan. Pero ako sa puso ko, hindi nila ipaglalaban at pag-iingatan ang mahigit isang dekadang relasyon kung sasayangin lang nila," ani Cristy.

Read also

Cristy, naikwento ang nagawa umano ni Baron nang makasama noon si Jobert Sucaldito

"Kung meron mang nangyayari sa kanilang relasyon ngayon, Hindi muna sila nagsasalita. Siguro ninanamnam muna nila ang pagiging mag-isa nila. At saka siguro binabalanse kung kailangan pa ba nila ang bawat isa," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, naniniwala si Cristy na wala umanong katotohanang naghiwalay na ang dalawa.

"Palagay ko sila pa rin. Ikatutuwa ng ating mga kababayan kung yung relasyong Kathniel, buong-buo pa rin."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan sa mula Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Samantala, maging si Ogie Diaz ay napuri si Kathryn Bernardo at ka-love team nito at real-life sweetheart na si Daniel Padilla. Ito ay dahil sa magkahiwalay na proyektong gagawin ng dalawa. Si Kathryn ang magiging bahagi ng pelikulang A Very good Girl. Habang si Daniel Padilla naman ay may nakalatag din na dalawang pelikulang gagawin. Ito ay ang Nang Mapagod si Kamatayan kung saan makakasama niya si Zanjoe Marudo at ang psychological suspense thriller na The Guest kasama si John Arcilla.

Read also

PJ Abellana sa espikulasyon tungkol sa gender ni Tom Rodriguez: "Hindi ako naniniwala"

Isa rin umano si Ogie Diaz sa dumipensa kay Kathryn matapos na kumalat ang video na kuha sa shoot ng kanilang Cinemalaya entry na "A Very Good Girl" kung saan kasama nito si Dolly De Leon. Tulad ng nasabi rin ng Guldbagge Award for Best Actress in a Supporting Role nominee, sinabi ni Ogie na sakaling totoong nagvi-vape si Kathryn, normal lang ito at di na kailangan pang gawing big deal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica