Gary Estrada at Bernadette Allyson, pinakita ang kanilang 3-hectare farm

Gary Estrada at Bernadette Allyson, pinakita ang kanilang 3-hectare farm

- Inilibot ng mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson si Karen Davila sa kanilang farm sa Quezon

- Namangha si Karen sa malawak na lupain ng mag-asawa na ayon kay Gary ay nabili niya noong siya ay 19 taong gulang pa lang

- Pinakita ng mag-asawa ang mga amenities ng kanilang property at ilan sa mga ito ay mismong si Gary ang gumawa, nag-aayos at nagme-maintain

- Naibahagi din nila ang kanilang mga plano na maipatayo at gawin upang mas mapakinabangan ang kanilang farm

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ng mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson ang kanilang tatlong ektaryang lupain sa vlog ni Karen Davila. 19 anyos umano si Gary nang nabili niya ito.

Gary Estrada at Bernadette Allyson, pinakita ang kanilang 3-hectare farm
Gary Estrada at Bernadette Allyson, pinakita ang kanilang 3-hectare farm (Karen Davila/YouTube)
Source: Youtube

Inilibot nila si Karen sa iba't-ibang bahagi ng kanilang farm. Bukod sa kanilang mga pananim, hindi maipagkakaila ang hilig nila sa sports dahil mayroong mga lugar para sa sports sa naturang property.

Read also

Jason Francisco nang tanungin ng birthday wish nya: "Sana magdikit na ang ngipin ng mama nyo"

Bukod sa mga paupahang venue para sa sports camp naiisip din daw ng mag-asawa na gawing Airbnb ito para mas mapakinabangan nila.

Na-eenjoy raw nilang mag-anak ang kanilang oras habang naroroon dahil bukod sa nagagawa nila ang mga bagay na gusto nila ay magkakasama pa sila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Gary Estrada o Gary Jason Bastos Ejercito sa totoong buhay ay anak ni Jorge M. Ejercito o mas kilala bilang si George Estregan.

Ikinasal siya kay Bernadette Allyson at mayroon silang tatlong anak na nagngangalang Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina. Kinagiliwan ng netizens ang kanilang buhay probinsiya nang magkaroon ng pandemya.

Naging usap-usapan sina Gary at Bernadette nang ibahagi ng mag-asawa ang tungkol sa kanilang farm sa social media. Pinakita nila ang naging kalagayan ng farm matapos ang dumaang bagyo. Umani ng mga komento ang pagbabahagi ng mag-asawa kaugnay dito.

Read also

Vice Ganda, pinapayuhan ng ilan na hiwalayan na umano si Ion ayon kay Cristy Fermin

Samantala, pinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ikalawang dekada bilang mag-asawa noong 2021. Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Bernadette ang kanyang pagbati sa kanyang mister. Kalakip ng kanyang pagbati ay ang mga litrato nilang mag-asawa na kuha mula noong kinasal sila. Bumuhos naman ang pagbati sa mag-asawa na kabilang sa mga mag-asawa sa showbiz na hinahangaan sa pagiging matatag ang pagsasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate