Kyla, emosyonal na ikinuwento ang dalawang beses na miscarriagè noong 2018
- Hindi napigilang maiyak ni Kyla nang mapag-usapan nila ni Ogie Diaz ang tungkol sa kanyang sanang mga supling
- Taong 2018 nang dalawang beses umano siyang nakunan
- Aniya, gustong-gusto niya talaga sanang magkaroon ng maraming mga anak
- Hanggang ngayon, dasal pa rin ni Kyla na mabigyan ng kapatid ang kanilang nag-iisang anak na si Toby
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naging emosyonal si Kyla nang mapag-usapan nila ni Ogie Diaz ang tungkol sa makailang beses niyang miscarriagè.
Isa nga sa pinakamatinding dinanas niya sa sitwasyong makailang beses niyang naranasan ay noong 2018.
"That year 2018, twice akong na-miscarriagè. I started a year with miscarriagè and I ended the year with another miscarriagè" naluluhang ikinuwento ni Kyla.
"Medyo heartbreaking po 'yun kasi sobrang gustong-gusto namin na masundan si Toby talaga. Gustong-gusto niyang magkaron ng kapatid talaga. As in nagre-request siya ng brother," dagdag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang masakit pa rito, matapos ang dalawang beses na pangyayaring ito, dalawang beses pa muli itong naulit sa pag-asang mabibigyan pa muli sila ng mga anak.
"Mahirap po 'yung feeling na nawawalan. Something that you've prayed for, you hoped for and you wanted. Tapos biglang, parang ibinigay sa'yo tapos kinuha ulit. Tapos you have to go through that over and over again"
"Kasi gustong-gusto ko talaga ng maraming anak. Mahilig po ako sa bata e. Gustong-gusto ko po yung nagbibigay ng pagmamahal lalo na sa anak. Feeling ko kasi I have so much to give."
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:
Si Kyla ay kilala bilang isa sa mga mahuhusay na female R&B singer sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga naging regular na hurado ng Tawag ng tanghalan sa It's Showtime.
Taong 2022 nang maibahagi ni Kyla ang ikaapat niyang miscarriagè. Kung lahat na ito ay natuloy, lima na sana ang kanyang mga anak na kanya talaga umanong pinapangarap.
Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mag-ama na mas lalo umano siyang inaalagaan sa tuwing siya nagdadalang-tao. Sila umano ang pinaghuhugutan niya ng lakas tuwing nangyayari ang 'di niya ninanais mangyari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh