Ellen Adarna, ibinida ang bagong hairstyle ng anak na si Elias
- Pinakita ni Ellen Adarna ang bagong hairstyle ng anak niyang si Elias Modesto
- Sa kanyang Instagram post ay makikita ang pagpunta nila sa salon kung saan nagpaayos din siya ng buhok samantalang nagpagupit si Elias
- Mas maiksi na ang buhok ni Elias na sa isang bahagi ng video ay inayos pa ni Derek at nilagyan ng wax
- Sa IG stories naman ni Ellen ay sinabi ni Elias na wax ang hinihingi niya kay Santa Claus para maayos niya ang buhok at gawing mohawk style
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinakita ni Ellen Adarna ang bagong gupit ng anak niyang si Elias. Ayon sa mga netizens bumagay kay Elias ang kanyang mas maiksing buhok.
Sa post ni Ellen ay makikita ang kanilang pagpunta sa salon para sa pagpapaayos niya ng buhok at pagpapagupit ni Elias.
Sa IG stories naman ni Ellen ay pinakita niya ang hiling ni Elias kay Santa Claus na wax daw para maayos ang kanyang buhok at gagawing mohawk style.
Pinapili din siya ni Ellen kung ano mas gusto niya, nerf gun o wax at pinili niya ang wax. Pabiro naman inihayag ni Ellen ang kasiyahan dahil aniya ay mas mura ang wax kesa sa nerf guns.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.
Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh