Miss Grace, nag-react sa interview ni PK: "Get your stories straight"

Miss Grace, nag-react sa interview ni PK: "Get your stories straight"

- Minabuti ni Miss Grace na ilabas ang kanyang saloobin kaugnay sa naging panayam ni Pambansang Kolokoy na nailabas sa YouTube channel ni Ogie Diaz

- Nilinaw niyang ginawa niya ang kanyang reaction video hindi para manira kundi para mailabas ang aniya ay buong katotohanan

- Pinakita niya ang email daw ni PK sa kanya kung saan sinabi nitong gusto niyang makaganti kay Miss Grace

- Inisa-isang sinagot ni Miss Grace ang mga naging pahayag ng kanyang ex at marami sa mga ito ay kinotra niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas si Miss Grace ng isang video para sagutin ang naging panayam sa ex niyang si Pambansang Kolokoy. Dito ay pinabulaanan niya ang ilan sa mga naging pahayag ni PK.

Miss Grace, nag-react sa interview ni PK: "Get your stories straight"
Miss Grace, nag-react sa interview ni PK: "Get your stories straight" (withmissgrace/YouTube)
Source: Youtube

Bago niya pinanood ang video, nilinaw ni Miss Grace na ang character na 'Marites' ay nilikha lamang at ang kanyang ex daw ang nagsabi sa kanya kung paano siya umakto kapag gumagawa sila ng video.

Read also

Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy, umalma: "Alam mo ba yung salitang 'move on?'"

Ginawa naman daw ni Miss Grace iyon bilang pagsuporta sa kanyang asawa. Mariin niyang nilinaw na magkaiba si Marites at si Miss Grace.

Kabilang sa kanyang pinabulaanan ay ang sinabi ni PK na hindi daw niya nakausap ang kanyang magulang ng matagal na panahon dahil kay Miss Grace.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ani Miss Grace, noong panahong iyon ay hindi daw talaga nag-uusap si PK at ang kanyang ama dahil sa hindi daw ito naging matapat sa ina ni PK.

Pumunta pa raw sila sa Baguio pero hindi daw sila kinausap ng ama nito.

Sa ina naman daw ni PK ay maraming beses daw na hindi naman pumupunta sa kanila kahit sabihan nila ito na pumunta upang makasama ang anak nila pero lagi raw itong umaayaw dahil sa trabaho at paglabas kasama ng kanyang mga kaibigan.

Read also

Gerald Anderson, natanong tungkol sa kasalan: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon"

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel