Bia at Lucas, kinagiliwan nang mag-I love you Mommy and Daddy Ray sa kanilang video call

Bia at Lucas, kinagiliwan nang mag-I love you Mommy and Daddy Ray sa kanilang video call

- Kinagiliwan ng marami ang pagsasabi ng 'I love you' nina Bia at Lucas Harake sa kanilang Mommy Zeinab at Daddy Ray

- Kahit magkakalayo, sinisiguro ni Zeinab na nakakausap pa rin niya ang mga anak sa pamamagitan ng video call

- Sa nturang video, nasa Lebanon si Zeinab kasama ang kanyang mga kapatid at ama, habang nasa Japan naman si Ray Parks Jr.

- Matatandaang sa mga unang vlog ni Zeinab nakikita kung gaano na kalapit ang mga anak niya sa kanilang Daddy Ray

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maraming 'Zebbies' ang umano'y natuwa nang makita na naman nila ang sweetness nina Bia at Lucas Harake sa kanilang Mommy Zeinab at Daddy Ray Parks Jr.

Bia at Lucas, kinagiliwan nang mag-I love you Mommy and Daddy Ray sa kanilang video call
Zeinab kasama ang mga anak na sina Bia at Lucas, gayundin ang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr. (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Sa pinakabago niyang vlog, makikita kung paano sinisiguro ni Zeinab na makausap pa rin niya ang mga anak na pansamantalang naiwan sa Pilipinas. Nagtungo kasi si Zeinab sa Lebanon kasama ang kanyang mga kapatid at kanilang ama.

Read also

Zeinab, ipinakilala ang iba pang "Zeinab Harake" nang magpunta sila sa Lebanon

Ito ang unang pagkakataon na makasama niya ang mga ito dahil aniya, ngayon lamang sila nagkapera para gawin ito.

Samantala, nasa Japan naman si Ray Parks Jr. sa oras na iyon kaya naman tanging ang pag-video call ang kanilang paraan upang magkita-kita kahit magkakalayo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang labis na pumukaw ng atensyon ng mga nakapanood ng vlog ay kung paano kusang nagsasabi ang mga anak ni Zeinab ng 'I love you' hindi lang sa kanya kundi maging sa kanilang Daddy Ray.

Samantala, mapapanood ang kabuuan ng mga kaganapan sa Lebanon Trip ni Zeinab sa pinakabagong vlog niya sa kanyang YouTube channel:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.7 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, naibahagi nito kung paano siya napaiyak dahil kay Lucas. Nilarawan ni Zeinab na halos madurog umano ang kanyang puso nang malaman ito mula pa sa teacher ng kanyang anak. Naibahagi rin niya sa naturang video kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga ni Zeinab ang bunso nitong si Bia.

Read also

Tyronia Fowler, naiyak nang ipaalam ni Toni Fowler na nakasuhan siya

Samantala, mula nang lumantad na sila sa publiko ay halos hindi na mapaghiwalay sina Zeinab at Bobby Ray Parks Jr. Lalo na nang mapalapit na rin ang mga anak ni Zeinab sa kanilang "Daddy Ray."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica