Ogie D sa pag-call out ni Liza isang news site: "Ang problema lang sa article walang resibo"
- Natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs ang tungkol sa pag-call-out ni Liza Soberano sa isang news site
- Ito ay dahil umano sa artikulong nagawa tungkol kay Liza kung saan komento umano ng bashers ang naging anggulo
- Inalmahan ito ni Liza at sinabing tila wala na umanong ibang magawan ng balita ang naturang news site
- Ani Ogie, kinulang umano sa resibo ang naturang balita kaya naman madaling masabi ng publiko na maaring opinyon lamang ito ng nagsulat
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa mga napagkwentuhan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa bagong episode ng Showbiz Update channel nila ay ang pagcall-out umano ni Liza Soberano sa isang news site na nagsulat ng artikulo ukol sa kanya.
Matatandaang kamakailan ay naikwento rin ng aktres na mas naunang umusbong ang proyekto sa kanya sa Seoul kaysa sa Hollywood ngunit hindi naman niya ito isinasantabi.
Agad siya umanong nahusgahan ng marami na tila nag-aabang ng mga susunod na kabanata sa kanyang career.
Ito ang naibalita ng news site na bandera na inalmahan naman ni Liza.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Ako kung karaniwang tao ako niyan, unang-una kung babasahin ko 'yan, nagtagumpay ang bandera o ang Inquirer.net. Kasi pinansin sila nung pinatutungkulan ng article. Kaya si Liza mismo yung nag-call out. Alam mo, hindi natin pwedeng sisihin si Liza kung bakit niya kono-call out ito," giit ni Ogie ukol sa isyu.
Aniya, nang basahin naman ang buong artikulo, nakita niyang mayroon din naman sumalungat sa bashers at nagbigay ng positibong pahayag ukol kay Liza.
"Pero in fairness naman dun article na nabasa ko, may mga comments din na positive sa kanya. Ang pinili lang ng bandera.ph ay yung negative kay Liza. Pero kung babasahin mo ng buo yun, may mga positive dun na kinakalaban naman yung mga bashers."
Ayon pa kay Ogie, tila kinulang sa ebidensya ang nagsulat na siyang nagpapakitang maraming netizens ang umano'y nag-bash sa career ni Liza.
"Ang problema lang sa article, wala silang resibo. Wala silang pinagkuhaan ng resibo kung totoo na yoon ay comment ng bashers. Dapat yung resibo o screenshots naipatong-patong nila o nai-collage nila na nandun talaga. Na may mga tao o may mga pangalan 'yung kanilang Twitter account or any socmed account na sila mismo o si Pedro Dela Cruz tapos may screenshot nung comment na 'yun ni Pedro. E wala. Syempre, iisipin ng mga tao nag-iimbento kayo para lang may maibalita."
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie ukol dito:
Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.
Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.
Kamakailan, muling gumawa ng ingay si Liza online dahil sa tawag sa kanya ni Dra. Vicki Belo nang maging panauhin siya nito sa kanyang vlog. Sa halip na Liza, "Hope" ang tawag nito sa kanya. Inakala tuloy umano ng marami na tuluyan nang 'Hope' ang ginagamit na pangalan ng aktres.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh