Francine Diaz, sinabing civil sila ni Andrea Brillantes sa isa't-isa

Francine Diaz, sinabing civil sila ni Andrea Brillantes sa isa't-isa

- Naitanong kay Francine Diaz ang tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at kung nanumbalik na ba ang kanilang pagkakaibigan

- Aniya, parehas naman silang professional ni Andrea at ang trabaho ay trabaho pero hindi pa rin naman daw nanunumbalik kagaya sa dati nilang pagkakaibigan

- Wala naman na daw siyang nararamdaman na nakakaapekto sa pagiging civil nila ni Andrea

- Masaya daw si Francine na napapareha sina Andrea at Kyle dahil aniya ay matagal na silang magkaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Francine Diaz na civil sila ni Andrea Brillantes sa isa't-isa. Gayunpaman aniya ay hindi pa rin nanunumbalik ang kanilang pagkakaibigan kagaya noon.

Francine Diaz, sinabing civil sila ni Andrea Brillantes
Francine Diaz, sinabing civil sila ni Andrea Brillantes
Source: Youtube

Ayon kay Francine, mga professional naman sila ni Andrea at ang trabaho ay trabaho kaya okay naman sila.

Naitanong din kay Francine kung ano ang reaksiyon niya na sina Kyle at Andrea na ang ipinapareha.

Read also

Michelle Dee: "For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic"

Aniya, masaya daw si Francine na napapareha sina Andrea at Kyle dahil aniya ay matagal na silang magkaibigan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel