Toni Fowler sa edited picture ni Tyronia: "Di pa ko handa"
- Pinakita ni Toni Fowler ang kanyang reaksiyon sa ginawang picture ni Tyronia na magpapakita ng itsura nito pagkatapos ng sampung taon
- Kinabiliban niya ang teknolohiya na kaya nang makita ang magiging itsura ng isang tao matapos ang ilang taon
- Para naman kay Toni, hindi pa raw siya handa na makitang dalaga na ang anak
- Inulan naman ng komento ang picture na ito na binahagi ni Toni
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Para kay Toni Fowler, hindi pa raw siya handa na magdalaga na ang kanyang anak. Pinakita ni Toni ang inedit na picture ni Tyronia na gawa ni Ronald Quiñones Jr na may-ari ng Facebook page na Lowcostedit. Pinakita sa edit ang ang magiging itsura ni Tyronia matapos ang sampong taon.
Kinabiliban din ni Toni ang teknolohiya na kaya nang makita ang magiging istsura ng isang tao matapos ang ilang taon.
Tyronia 10 years from now
Edited by someone sa social media. Grabe naman teknolohiya ngayon nakikita ko na agad itsura ng anak ko 10 yrs from now di pako handa
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.
Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.
Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh