Ogie D, naikwentong nagtaka ang netizens na may ipapalabas na pelikula si Bea Alonzo

Ogie D, naikwentong nagtaka ang netizens na may ipapalabas na pelikula si Bea Alonzo

- Naikwento ni Ogie Diaz na mayroon umanong ipapalabas na pelikula si Bea Alonzo sa Nobyembre

- Ang pinagtataka umano ng netizens, hindi ito pino-promote ng aktres

- Sinasabing ipinalalabas na ito sa ibang bansa at inaasahang mapapanood din sa Pilipinas

- Mas nagiging usap-usapan pa sa ngayon ang magiging kasal ni Bea Alonzo at Dominic Roque na inaasahang magaganap sa susunod na taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ang tungkol sa umano'y pelikula ni Bea Alonzo.

Ogie D, naikwentong nagtaka ang netizens na may papalabas na pelikula si Bea Alonzo
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Original

Nakapagtataka raw na tila hindi nagagawang i-promote ng aktres ang pelikula gayung tila isa ito sa mga lead characters doon.

Kaya naman, tila naniniwala ang ilan sa napapabalitang hindi nagkasundo sina Bea at producer ng naturang pelikula.

Read also

Vice Ganda, dinagdagan ang premyo ng Rampanalo contestant na nagpapa-therapy ang anak

"Nakarating din sa atin na parang nagkaroon ng tampo si Bea sa producer. Nagkaroon ng misunderstanding. Kaya siguro sa kabilang banda, maiintindihan mo si Bea na kung bakit hindi niya naipo-promote 'yung pelikula na tapos na niyang gawin, kailangan na niyang i-promote."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, handa raw umano ang producer na pumunta sa bansa upang i-promote ang kanilang pelikulang may pamagat na "1521."

Inaasahang mapapanood ito sa mga sinehan sa bansa sa Nobyembre ng kasalukuyang taon.

Narito ang kabuuan ng talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Cristy Fermin sa bashers at nagbabanta kay Lala Sotto: "Huwad ang katapangan niyo"

Samantala, July 18 nang kasalukuyang taon nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Ilang mga post nina Bea at fiancé nitong si Dominic Roque ang nagpapatunay kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Isa na rito ang post ni Bea kung saan hindi napigilang magkomento ni Dominic ng 'ganda naman nito' na nagpakilig hindi lang sa kanilang fans kundi maging sa ibang mga nakakita ng post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel