Vice Ganda, dinagdagan ang premyo ng Rampanalo contestant na nagpapa-therapy ang anak

Vice Ganda, dinagdagan ang premyo ng Rampanalo contestant na nagpapa-therapy ang anak

- Dinagdagan ni Vice Ganda ang maiuuwing premyo ng Rampanalo contestant ng It's Showtime

- Bagama't panalo, hindi kalakihan ang maiuuwing premyo ng contestant na nagpapa-therapy ng kanyang anak

- Dahil dito, hindi nagdalawang isip umano si Vice na magdadag ng Php10,000 sa premyo ng naturang contestant

- Patuloy ang paghahatid ng premyo at saya ng nasabing programa sa kabila ng posibilidad na 12 araw na suspension sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tuwang-tuwa ang contestant ng Rampanalo ng It's Showtime ngayong araw, Setyembre 20 dahil sa hindi inaasahang biyaya ni Vice Ganda.

Vice Ganda, dinagdagan ang premyo ng Rampanalo contestant na nagpapa-therapy ang anak
Vice Ganda (Vice Ganda FB)
Source: Facebook

Hindi kasi kalakihan ang maiuuwi nitong premyo at nalaman pa umano ni Vice na sumasailalim sa therapy ang anak ng naturang contestant.

"Nagte-theraphy ang anak mo? Dadagdagan kooo 'yan ng Php10,000," ani Vice kaya naman naging Php27,000 ang premyong maiuuwi ng contestant.

Read also

Cristy Fermin sa bashers at nagbabanta kay Lala Sotto: "Huwad ang katapangan niyo"

Kwento pa nito, matagal na nilang nais na makita sa personal at makita ang bumubuo ng It's Showtime kaya naman masuwerte siya sa araw na iyon dahil bukod sa nakasama niya ang mga host ng nasabing programa, nagka-premyo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa Rampanalo ng It's Showtime:

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.

Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.

Read also

RR Enriquez kay Pau Fajardo: "Hurray sa new love life"

Samantala, matatandaang pinayuhan pa ni Ogie Diaz si Vice Ganda at mga kasama nito sa It's Showtime na mag-courtesy call sa MTRCB upang sila ay mas maunawaan ng naturang ahensya na nooo'y wala pang desisyon ukol sa mga reklamong nakarating sa kanila kaugnay ng noontime show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica