Annabelle Rama, proud lola sa achievement ng apong si Lorin

Annabelle Rama, proud lola sa achievement ng apong si Lorin

- Proud lola si Annabelle Rama sa kanyang apong si Lorin Gabriella Bektas

- Ito ay matapos makabili ni Lorin ng kanyang unang sasakyan sa edad na 20

- Naibahagi ni Lorin ang kanyang achievement at nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya

- Maging ang ina niyang si Ruffa Gutierrez ay hindi maitago ang kasiyahan para sa anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Annabelle Rama ang kanyang apong si Lorin Gabriella Bektas sa kanyang Instagram post. Ani Annabelle ay proud siya sa apo na nakabili ng kanyang unang sasakyan sa edad na 20.

Annabelle Rama, proud lola sa achievement ng apong si Lorin
Annabelle Rama, proud lola sa achievement ng apong si Lorin (@annabelleramaig)
Source: Instagram

Naibahagi ni Lorin na cash niyang nabayaran ang sasakyan at masayang-masaya siya. Nakabili siya ng Mercedes Benz GLA 250 at binayaran niya iyon nang buo.

Pinasalamatan naman niya ang netizens na sumuporta sa kanya dahil aniya, nakamit niya iyon sa tulong ng mga sumuporta sa kanya.

Maging ang ina niyang si Ruffa Gutierrez ay hindi maitago ang kasiyahan para sa anak. Aniya, proud siya sa kanyang anak. Sa katunayan, nagkomento pa si Ruffa sa post ng anak at gusto daw niya makita ang itsura ng sasakyan niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel