Iwa Moto sa nagsabing mas maganda si Jodi sa kanya: "Walang kompetisyon"

Iwa Moto sa nagsabing mas maganda si Jodi sa kanya: "Walang kompetisyon"

- Sinagot ni Iwa Moto ang isang netizen na nagsabing mas maganda si Jodi Sta. Maria kesa sa kanya

- Ani Iwa, una sa lahat ay walang kompetisyon sa pagitan nila ni Jodi

- Tinawanan din ni Iwa ang naturang komento dahil aniya ay mali pa ang spelling nito

- Sa kanilang mga pahayag ay palaging sinasabi nina Iwa at Jodi na malapit silang magkaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Iwa Moto ang komento ng isang netizen sa kanya. Sinabi ng netizen na ito na mas maganda daw si Jodi Sta. Maria kesa sa kanya.

Iwa Moto sa nagsabing mas maganda si Jodi sa kanya: "Walang kompetisyon"
Iwa Moto sa nagsabing mas maganda si Jodi sa kanya: "Walang kompetisyon" (@iam_iwa)
Source: Instagram

Ani Iwa, una sa lahat ay walang kompetisyon sa pagitan nila ni Jodi. Tinawanan at pinuna din ni Iwa ang maling spelling nito sa pangalan ni Jodi.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang magndang samahan nina Jodi at ng ama ng anak niya pati na rin ng karelasyon nito sa kasalukuyan na si Iwa.

Read also

RR Enriquez kay Pau Fajardo: "Hurray sa new love life"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Iwa Moto ay isang aktres na unang nakilala sa reality talent search ng GMA-7, ang Starstruck kung saan hinirang siyang 1st Runner up sa 3rd season nito. Ang kanyang partner na si Pampi Lacson ay may anak din kay Jodi Sta. Maria. Marami ang natutuwa sa magandang samahan nina Iwa at ex ni Pampi na si Jodi. Sa katunayan, may mga pagkakataon na namamataan silang magkasama.

Hindi minasama ni Jodi Sta. Maria ang pag-post ni Iwa sa video ng anak niyang si Thirdy Lacson na nag-over-the-bakod. Ani Jodi, naniniwala siyang walang masamang intensiyon si Iwa sa kanyang pagpost. Dagdag pa niya, magkaibigan sila ni Iwa at sa tingin niya ay cute at funny ang video na ito ni Thirdy. Sina Iwa at Jodi ay hinahangaan ng marami dahil sa kanilang pagiging malapit na magkaibigan sa kabila ng kanilang kalagayan.

Read also

Amy Perez kay Brix Ferraris na ama ng panganay niya: "Kahit google hindi siya mahanap"

Nagbahagi si Iwa. ng isang appreciation post para sa kanyang asawang si Pampi Lacson. Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting ama sa kanilang mga anak at isang mabuting asawa sa kanya. Aniya sa kabila ng mga pinagdaanan nila ay nanatili silang magkasama at palagi umano siyang mananatili sa tabi ni Pampi. Alam niya daw na marami pa silang kakaharapin ngunit aniya ay palagi niyang pipiliin si Pampi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel