Fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, kinilig sa muling pagkikita ng dalawa

Fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, kinilig sa muling pagkikita ng dalawa

- Kinilig ang mga fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa kanilang muling pagkikita

- Ito ay isang buwan bago ang kanilang nakatakdang reunion concert na inaabangan ng kanilang mga tagahanga

- Sa ginanap na media conference, nagkita ang dalawa nang paalis na sana si Gabby at dumating naman si Sharon

- Isa sa pinakanatuwa sa kanilang reunion concert ay ang anak nilang si KC Concepcion

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinakiligan ang muling pagkikita nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion lalo na ng fans ng kanilang tambalan. Sa ginanap na media conference para sa show nila, nagkita ang dalawa nang paalis na sana si Gabby at dumating naman si Sharon.

Fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, kinilig sa muling pagkikita ng dalawa
Fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, kinilig sa muling pagkikita ng dalawa (@nsyshows)
Source: Instagram

Isang buwan bago ang nakatakdang reunion concert ay nagkita ang dalawa sa unang pagkakataon. Agad namang humirit si Gabby ng isang hug bago siya umalis.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

“Uy first time na nagkita, first time kong nahawakan ang kamay oh, first time. Sabi ko sa kanila kanina, pagkatapos ko dito aalis ako, baka hindi tayo magkita. Pwede ba tayo mag-hug bago ako umalis?”

Nagbiro pa ito tungkol sa pagiging Concepcion noon ni Sharon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Uulitin ko yung sinabi ko noon, ladies and gentlemen, on stage, Ms. Sharon… Concepcion noong araw 'to eh, Sharon.. Sharon na lang. Pa-kiss ulit,”

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Read also

Derek Ramsay at Baby Giant, nagpagalingan sa push up challenge

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate