Cristy, naikwentong puring-puri umano si KC Concepcion ng mga Pinoy sa UK

Cristy, naikwentong puring-puri umano si KC Concepcion ng mga Pinoy sa UK

- Naikwento ni Cristy Fermin na madalas umanong mapuri ng mga kababayan natin sa UK si KC Concepcion

- Ito pa raw kasi umano ang lumalapit at kumakausap sa mga Pilipino sa UK 'pag nakumpirmang kababayan niya ito

- Matatandaang maging si Cristy Fermin ay naghayag ng paghanga sa kabutihan ng puso ni KC

- Inaasahan ng marami na magiging bahagi si KC ng pinakaaabangang concert ng kanyang mga magulang sa Oktubre

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y madalas na papuri kay KC Concepcion maging ng mga kababayan natin sa UK.

Cristy, naikwentong puring-puri umano si KC Concepcion ng mga Pinoy sa UK
KC Concepcion
Source: Facebook

Nabalitaan umano ni Cristy na sadyang may mabuting puso si KC na nagagawang bumati at kausapin pa ang mga Pilipinong nakakasalamuha sa UK.

"Kwento ng mga kababayan natin sa UK... Nakikita nila si Kc sa mga, 'di ba mahilig siyang mag-vlog ng mga pagkain, at kumakain siya talaga, Alam mo pagkanakita ka raw ni KC at ikaw ay Pilipino at nakangiti ka, agad-agad ka niyang lalapitan at kakausapin," ani Cristy.

Read also

Ivana Alawi, kinagiliwan sa bagong video kasama sina Mona at Dr. Vicki Belo

"Napaka-amiable na bata. Ang ganda ng ugali. Wala ka nang hahanapin pa. Kung ano siya, kung gaano siya kaganda, yun din kaganda ang kalooban niya. Puring-puri po si KC Concepcion ng mga kababayan natin," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Muling naging usap-usapan si KC nang i-promote niya ang international movie na Asian Persuasion. Sinasabing mapapanood ito sa selected cinemas sa bansa sa Nobyembre 27.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy at kanyang mga kasama sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Read also

Yeng, napahagulhol nang alalahanin ang sakripisyo ng ina: "Lahat ng trabaho pinasok 'nun"

Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ni Cristy ang kaniya umanong paghanga kay Sharon Cuneta kung paano nito napalaki ng maayos ang anak na si KC na malapit pa rin sa kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica