Vice Ganda, tutulong sa mga staff na maapektuhan ng 12-day suspension

Vice Ganda, tutulong sa mga staff na maapektuhan ng 12-day suspension

- Nagpatawag raw ng emergency meeting si Vice Ganda para sa mga staff ng It's Showtime

- Ito yung mga staff na maaapektuhan sa pinataw na 12-day suspension ng MTRCB sa kanilang show

- Ayon kay Kapitana Sisa, napag-alaman niya sa isang source na mismong si Vice Ganda raw ang magbibigay ng ayuda para sa mga staff

- Nakapagsumite na rin daw ng Motion for Reconsideration ang GMA-7 kaugnay sa pinataw na suspension

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpatawag daw si Vice Ganda ng emergency meeting sa mga staff ng It's Showtime. Ayon kay Kapitana Sisa ng Energy FM, napag-alaman niya sa kanyang source na si Vice Ganda na mismo ang mag-aayuda sa mga staff na maapektuhan ng napipintong 12 day suspension na pinataw sa kanilang show.

Vice Ganda, tutulong sa mga staff na maapektuhan ng 12-day suspension
Vice Ganda, tutulong sa mga staff na maapektuhan ng 12-day suspension (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ito ay bilang paghahanda kung sakaling matuloy nga ang suspension at hindi mapagbigyan ang Motion for Reconsideration.

Read also

Toni Fowler, inaming 7 digits ang kinikita kada buwan bilang content creator

Nabanggit din nila na nakapagsumite na raw ng Motion for Reconsideration ang GMA-7.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Derek Ramsay at Baby Giant, nagpagalingan sa push up challenge

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate