Toni Fowler, inaming 7 digits ang kinikita kada buwan bilang content creator

Toni Fowler, inaming 7 digits ang kinikita kada buwan bilang content creator

- Naibahagi ni Toni Fowler sa panayam sa kanya sa programang The Big Story sa One News Ph, na umaabot sa 7 digits ang kanyang kita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ito ay kada buwan niyang kita bilang isang content creator hindi lang sa YouTube kundi sa iba't-ibang social media platforms

- Sa naturang panayam ay nabanggit ni Toni kung paano niya pinaiintindi sa anak niyang si Tyronia para maintindihan niya ang naging trabaho niya

- Ani Toni, sa nakikita niya sa anak ay lumalaki itong baliktad sa kanyang personality

Nagsimula si Toni Fowler mag-vlog noong October 2019. Sa panayam sa kanya sa programang The Big Story sa One News Ph, na umaabot sa 7 digits ang kanyang kita.

Toni Fowler, inaming 7 digits ang kinikita kada buwan bilang content creator
Toni Fowler, inaming 7 digits ang kinikita kada buwan bilang content creator (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Derek Ramsay at Baby Giant, nagpagalingan sa push up challenge

Napa-"wow" ang mga hosts ng The Big Story nang aminin niyang seven figures ang kanyang kita. Pagdating naman sa investments, meron naman silang nabiling mga bahay at sasakyan.

Nakwento din ni Toni ang kanyang pagpapaintindi sa anak niyang si Tyronia tungkol sa kanyang trabaho. Aminado siyang hindi siya good example sa anak niya at masaya siyang makita sa anak na lumalaki daw itong kabaliktaran sa kanya.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa aniya'y poging afam

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate