Kim Chiu, binahagi ang video ng muli nilang pagkikita ni Bela Padilla

Kim Chiu, binahagi ang video ng muli nilang pagkikita ni Bela Padilla

- Pinasilip ni Kim Chiu ang video ng muli nilang pagkikita ng kaibigang si Bela Padilla sa Switzerland

- Makikita sa video ang pagyayakapan nila nang magkita sa airport habang tumutugtog ang awitin ni Jed Madela

- Hirit pa ni Kim, sa wakas ay nagamit niya daw sa kanyang video ang kanta ni Jed na kadalasang ginagamit kapag nagtatagpo ang magkarelasyon sa airport

- Kinaaliwan din na agad siyang bumitaw dahil ang kanyang bagahe ay napalayo na sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagkita ang magkaibigang Kim Chiu at Bela Padilla sa Switzerland. Binahagi ni Kim ang kanilang pagkikita.

Kim Chiu, binahagi ang video ng muli nilang pagkikita ni Bela Padilla
Kim Chiu, binahagi ang video ng muli nilang pagkikita ni Bela Padilla
Source: Instagram

Nabiro pa ni Kim, sa wakas ay nagamit niya daw sa kanyang video ang kanta ni Jed na kadalasang ginagamit kapag nagtatagpo ang magkarelasyon sa airport.

May sumundo sakin sa train station. Finally nagamit ko na din yung kantang to by @jedmadelaofficial !!! momsy @bela miss you sooo muchie !!!! Always here for you!‍♀️ pero yung bag ko tumakbo din kasi eh!!! Wahahahaha

Read also

Chad Kinis kay Zeinab Harake: "Ayoko ng mga screenshot-screenshot"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami naman sa kanilang fans ang natuwa na makita silang magkasama. Kasalukuyan namang nasa ibang bansa din ang kaibigan nilang si Angelica Panganiban.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate