Izzy Trazona: "Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you"

Izzy Trazona: "Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you"

- Inihayag ni Izzy Trazona ang kanyang saloobin sa kanyang anak na si Andrei Trazona

- Ani Izzy, may mga pagkakataon talaga na dumadating na hindi nagkakasundo ang mga magulang at anak

- Gayunpaman aniya ay alam niyang parehas lang ding nasasaktan ang mga ito at gustong maayos ang di pagkakaunawaan

- Matatandaang kamakailan ay lumabas sa balita ang tungkol sa pagiging drag queen ni Andre

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naihayag ni Izzy Trazona ang kanyang saloobin kaugnay sa anak niyang si Andre Trazona na kamakailan ay napabalitang isa na ding drag queen. Ani Izzy, lagi lang siyang naroroon para sa anak.

Izzy Trazona: "Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you"
Izzy Trazona: "Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you" (@izzytrazona_aragon)
Source: Instagram

Sa kanyang mensahe ay naihayag ni Izzy ang kanyang pagmamahal sa anak.

I miss you Drei, you’re always in my prayer..everyday. I love you so much. And that will never be changed.

Read also

Netizens gush over Mariel Padilla's new Instagram photo, notice her weight loss

Nagpahiwatig siya tungkol sa aniya'y disagreements sa pagitan ng anak at ng magulang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sometimes, parents & their children have disagreements and its normal. But I know both sides have that pain in their ❤️ and wishes that they will just simply agree w/ each other. Both have their own reason of what they are fighting for.

Ayon pa kay Izzy, hindi niya sasang-ayunan ang gagawin ng kanyang anak na taliwas sa kanyang pananampalataya.

So if my children, the 4 of them, will do something that is against the faith that I have in Christ, that will I disagree. I point them to Jesus because with that I will be secured with their future. The best I know I can give to my children, more than richness, fame and all.

Read also

Neri Miranda, ibinahaging nagkasakit sila ni Chito: "Akala namin ok na kami"

Dagdag pa niya, hindi niya masusuportahan ang anak sa mga bagay na makakapagpahamak sa kanya.

Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you. I am always here for you…your mama, mahal na mahal kita.

Si Izzy Trazona ay isa sa pinakaunang miyembro ng girl group na sexbomb na unang sumikat sa noontime show na Eat Bulaga. Ilan sa mga TV shows na kanyang kinabilangan ay Daisy Siete (2003), Ilumina (2010) at Bakit Papa? (2002).

February 2012 nang ikasal siya sa Starstruck season 1 avenger na si Alvin Aragon. Nabiyayaan ang mag-asawa ng tatlong anak na kanilang pinangalanang sina Andrei Dewey Trazona, Yanna, at Zoey. Bukod kay Izzy, may mga sariling pamilya na rin sina Jopay Paguia at ang tinuturing na leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan.

Read also

KC Concepcion, puring-puri ang kanyang Mama Sharon: "Bata-bata niyang tingnan"

Bilang dating miyembro ng sikat na girl group na Sexbomb, madalas pa rin magbahagi si Izzy ang kanyang mga videos kung saan sumasayaw siya. Sa kanyang Instagram post ay inunahan niya na ang kanyang Obstetrician-Gynecologist para hindi siya mapagalitan. Nilinaw niyang kuha ang ibinahagi niyang video bago pa niya malamang buntis siya kaya aniya ay huwag sana siyang pagalitan. Sa kanyang ginamit na hashtag, hindi din niya ikinailang nami-miss niya na ang pagsasayaw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate