Kiko Matos, napaso: "Hindi kasing sakit na mawalan ng Facebook page"
- Kinaaliwan si Kiko Matos sa kanyang pahayag kasunod ng pagkakabura ng Facebook page ni Rendon Labador
- Sa isang video ay pasimple nitong inihayag ang tila pang-aasar niya kay Rendon
- Habang umiinom ng mainit na kape ay napangiwi ito at ayon sa kanyang voice over ay napaso siya
- Gayunpaman aniya ay hindi kasing sakit na mawalan ng Facebook page
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan si Kiko Matos sa kanyang pasimpleng mga hirit matapos tuluyang mawala ang Facebook page ni Rendon Labador. Matatandaang nagkaharap silang dalawa noon sa"Battle of the YouTubers."
Sa kanyang binahaging video ay makikita ang kanyang pag-umpisa ng kanyang araw. Sa kanyang pagbangon ay agad niyang nabanggit na masarap ang gising pag alam na hindi burado ang Facebook page.
Kasunod nito ay nagpakulo siya ng tubig para makapagtimpla ng kanyang kape.
Habang umiinom ng kape sa kanilang veranda ay napangiwi ito at ayon sa kanyang voice over ay napaso siya. Hirit pa niya, ayos lang daw kasi hindi ito kasingsakit na mawalan ng Facebook page.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh