Rendon Labador, pumalag dahil sa mataas na presyo ng itlog

Rendon Labador, pumalag dahil sa mataas na presyo ng itlog

- Pumalag si Rendon Labador sa pagtaas ng presyo ng itlog na isinusulong na gawing per kilo ang pagbebenta nito

- Sa kanyang video na binahagi, hiling niya na maimbistigahan ang pagtaas ng presyo ng bilihin lalo na ng itlog

- Aniya, mismong siya ay apektado dahil ang itlog ang isa sa pangunahing pagkain niya

- Apektado daw ang fitness industry pati na ang mahihirap na itlog na lang ang kadalasang ulam

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Rendon labador ang pagtaas ng presyo ng itlog na isinusulong na gawing per kilo ang pagbebenta nito. Sa panayam ng TV5, nanawagan siya sa mga taong apektado na magsalita laban dito.

Rendon Labador, pumalag dahil sa mataas na presyo ng itlog
Rendon Labador, pumalag dahil sa mataas na presyo ng itlog
Source: Instagram

Aniya, dapat gawan ng paraan upang mapababa ang presyo ng bilihin lalo na ang itlog.

“Nananahimik ako sa gym eh. Pero ‘pag ganito, hindi ako makakapayag na ganito ‘yong mangyayari sa atin. Gawan n’yo ng paraan ‘yan, gawin ninyo ang lahat para mapababa ang presyo ng itlog.”

Read also

PNP, tukoy na ang dalawang gunmen at ang ilang mastermind sa pamamaril sa bus

Bukod daw sa fitness industry maging ang mga mahihirap ay apektado dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Nagagalit ako kasi ang taas na ng presyo ng itlog, hindi na kami papayag, apektado ‘yong fitness industry, lalong-lalo na ‘yong mahihirap nating kababayan,”

Hinimok niya ang lahat na kumukunsumo ng itlog na magwelga.

“Lahat ng kumakain ng itlog, magsama-sama tayo, magwelga tayo, hindi pupuwede ‘yan, kasi ‘yong mahihirap nating kababayan, ulam na nila ‘yan e,”

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Chowking, naglabas na ng pahayag ukol sa nagbabahay-bahay nilang empleyado

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate