Anak ni Izzy Trazona na si Andrei Trazona, isa nang drag queen
- Isa nang ganap na drag queen ang anak ni Izzy Aragon na si Andrei Trazona Aragon
- Sa kanyang Instagram posts ay pinakita ni Andei ang kanyang mga drag performances
- Batay sa kanyang pahayag, anim na buwan pa lamang niyang ginagawa ang drag performances
- Tinawag siyang Sexbomb legacy sa kanyang sinalihang patimpalak
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naibahagi ng anak ni Izzy Trazona Aragon ang kanyang mga drag performances sa kanyang Instagram posts. Ayon kay Andrei, supportive ang kanyang ina sa kanyang craft.
Sa kanyang sinalihang kompetisyon para sa mga kagaya niyang drag queens, binansagan siyang "The Sexbomb legacy."
Aniya, biggest supporter niya ang kanyang mommy na walang judgement, at aniya ay bukas ito sa mga ginagawa at desisyon niya.
Kaya daw siya sumali sa #BungangaBattleRoyale dahil sa pakiramdam niya ay malaki ang igagaling niya pa sa drag sa kanyang pagsali.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sophia ang kanyang ginamit na pangalan. Naibahagi niyang anim na buwan pa lang siya nang magsimula siyang mag-drag.
Matatandaang naunang nakilala si Andrei nang mapansin ng netizens ang kanyang mga TikTok videos kung saan naipapakita niya ang husay niyang sumayaw.
Kinaaliwan din ang mga video niya na nagsasayaw kasama ang kanyang mommy.
Si Izzy Trazona ay isa sa pinakaunang miyembro ng girl group na sexbomb na unang sumikat sa noontime show na Eat Bulaga. Ilan sa mga TV shows na kanyang kinabilangan ay Daisy Siete (2003), Ilumina (2010) at Bakit Papa? (2002).
February 2012 nang ikasal siya sa Starstruck season 1 avenger na si Alvin Aragon. Nabiyayaan ang mag-asawa ng tatlong anak na kanilang pinangalanang sina Andrei Dewey Trazona, Yanna, at Zoey. Bukod kay Izzy, may mga sariling pamilya na rin sina Jopay Paguia at ang tinuturing na leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan.
Bilang dating miyembro ng sikat na girl group na Sexbomb, madalas pa rin magbahagi si Izzy ang kanyang mga videos kung saan sumasayaw siya. Sa kanyang Instagram post ay inunahan niya na ang kanyang Obstetrician-Gynecologist para hindi siya mapagalitan. Nilinaw niyang kuha ang ibinahagi niyang video bago pa niya malamang buntis siya kaya aniya ay huwag sana siyang pagalitan. Sa kanyang ginamit na hashtag, hindi din niya ikinailang nami-miss niya na ang pagsasayaw.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh