Toni Fowler at Papi Galang, nagkasagutan; Team Hapi, humiwalay na ng bahay

Toni Fowler at Papi Galang, nagkasagutan; Team Hapi, humiwalay na ng bahay

- Nagkasagutan sina Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family

- Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakealaman lahat ng desisyon niya

- Maging ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler ay sinagot din ni Papi matapos siyang sawayin nito sa mga sinabi nitong masakit kay Toni

- Tuluyan nang humiwalay ng bahay sina Papi at kanyang mag-aama

Matindi ang naging sagutan nina Toni Fowler at Papi Galang matapos siyang pagsabihan ni Toni na huwag nang magbuhat dahil buntis siya. Ani Papi, lahat na lang daw ay pinapakealaman kaya gusto niya na makalipat ng bahay.

Toni Fowler at Papi Galang, nagkasagutan; Team Hapi, humiwalay na ng bahay
Toni Fowler at Papi Galang, nagkasagutan; Team Hapi, humiwalay na ng bahay
Source: Youtube

Habang nag-eempake ay nagkasagutan sila ni Toni. Sinaway naman ni Mari Fowler si Papi dahil sa pagsasalita nito kay Toni. Aniya, napapagod na siya dahil lahat na lang daw ay pinapakealaman nilang magkapatid.

Read also

Papi Galang: "Di lang kayo ang tahimik lang sa umpisa"

Hindi na napigilang umiyak ni Toni nang tuluyan nang nakaalis sina Papi. Kasama niya ang dalawang anak at ang asawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel