Vice Ganda, 'ni-real talk' ang isang lalaki na may 12 anak sa iba-ibang babae

Vice Ganda, 'ni-real talk' ang isang lalaki na may 12 anak sa iba-ibang babae

- Diretsahang pinagsabihan ni Vice Ganda ang isang contestant sa It's Showtime

- Ang lalaking ito ay aminadong 12 ang kanyang anak at hindi lang iisang nanay

- Ani Vice Ganda, wag magpupunla ng mga pananim sa iba't-ibang lupain

- Walo daw ang kanyang anak sa kanyang huling karelasyon at tig-iisa sa mga unang nakarelasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang pinagsabihan ni Vice Ganda ang isang lalaking contestant sa It's Showtime dahil sa pagkakaroon nito ng 12 na anak sa iba-ibang babae. Ani Vice, hindi tama na mag-aanak nang marami kung hindi mabibigyan ng magandang buhay.

Vice Ganda, 'ni-real talk' ang isang lalaki na may 12 anak sa iba-ibang babae
Vice Ganda, 'ni-real talk' ang isang lalaki na may 12 anak sa iba-ibang babae (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ani Vice masama ang 'magpunla ng iba't-ibang pananim sa iba't-ibang lupain.' Walo sa kanyang mga anak ang nasa kanya na anak niya sa huling karelasyon niya. Yung sa mga nauna niya raw na karelasyon ay tig-iisa daw ang kanyang anak.

Read also

Libing ng magkasintahang pumanaw sa aksidente, araw din ng kanilang kasal

Pag mahirap wag na masyadong maraming anak kawawa yung mga bata kung hindi mo mabibigyan ng magndang-magandang buhay.

Katwiran ng lalaki na-inlove lang siya at siya naman daw ang iniwan ng mga nakarelasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabanggit niya pang ang mga nanay ng anak niya ang nagpaaral sa mga anak.

Wala kang kwentang lalaki. Pumunla ka ng 12 anak tapos yung mga asawa pinag-aaral mo. I don't like you.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Ogie Diaz sa viral video ng grupong nanira ng gamit sa resort: "Aba'y kinukuha pa 'yung deposit"

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate