Janice De Belen sa di-sadyang pag-iwas ni Vice Ganda ng chicharon sa kanya: "Humanda ka na"

Janice De Belen sa di-sadyang pag-iwas ni Vice Ganda ng chicharon sa kanya: "Humanda ka na"

- Nag-sorry si Vice Ganda kay Janice De Belen matapos ang nag-viral na video ng tila pag-iwas ni Vice Ganda ng chicharon sa kanya

- Nilinaw ni Vice na hindi niya alam na kukuha pala si Janice at nagulat na lang siya nang makita ang clip kung saan kinaaliwan ang reaksiyon ni Janice

- Sa kanyang tweet ay pabirong sinabi ni Vice na natatakot na daw siya sa maaring gawin ni Leona sa kanya

- Sagot naman ni Janice, ngayong alam na ng lahat kung sino ang pumatay kay Olivia ay humanda na si Vice

- Ang tinutukoy nito ay ang kanyang karakter sa seryeng "Dirty Linen"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Janice De Belen ang tweet ni Vice Ganda na nagsasabing na natatakot na daw siya sa maaring gawin ni Leona sa kanya. Ito ay kaugnay sa viral clip nila sa It's Showtime kung saan hindi alam ni Vice na kukuha ng chicharon si Janice at inilayo niya agad ang chicharon.

Read also

Vice Ganda, pinabulaanan ang balitang binitawan niya na si Awra Briguela

Janice de Belen sa pag-iwas ni Vice Ganda ng chicharon sa kanya: "Humanda ka na"
Janice de Belen sa pag-iwas ni Vice Ganda ng chicharon sa kanya: "Humanda ka na" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sagot naman ni Janice, ngayong alam na ng lahat kung sino ang pumatay kay Olivia ay humanda na si Vice. Si Leona ang karakter na ginagampanan ni Janice sa seryeng Dirty Linen.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate