Zeinab Harake kay Bobby Ray Parks Jr.: "Malay ko bang seryoso 'tong kumag na 'to"

Zeinab Harake kay Bobby Ray Parks Jr.: "Malay ko bang seryoso 'tong kumag na 'to"

- Nagbahagi ng mga bagong pictures si Zeinab Harake kasama ang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr.

- Kasama rin nila ang mga anak ni Zeinab na sina Lucas at Bia

- Nagbahagi rin si Zeinab kung gaano ito kasaya sa buhay niya ngayon

- Sa mga naunang post at video ni Zeinab, makikita kung gaano na kalapit ang kanyang mga anak sa kanilang Daddy Ray

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila walang pagsidlan ng kasiyahan si Zeinab Harake sa pinakabago niyang post kung saan makikitang kasama niya ang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr. gayundin ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia.

Zeinab Harake kay Bobby Ray Parks Jr.: "Malay ko bang seryoso tong kumag na 'to"
Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr. (Bobby Ray Parks Jr.)
Source: Facebook

"Read every caption" ang nakalagay sa kanyang post. Sa unang larawan, makikitang sila pa lamang ang magkasama ni Bobby Ray na noo'y crush na crush pa lamang daw siya.

Read also

Vice Ganda, napatili nang ilabas ang birthday cake ni Ogie Alcasid: "Aaayy! May Icing"

"Mga panahong crush na crush nya ko tapos dedma ang atake ng ina nyo malay ko bang seryoso tong kumag na 'to"

Subalit sa mga sumunod na pictures, kasama na nila sina Lucas at Bia sa umano'y favorite spot ni Zeinab na nabanggit niya sa mga nauna niyang vlog.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"'Yayyyyy! hindi lang ako love niya, pati kids," ang isa sa mga caption niya sa mga larawang kasama na ni Bobby Ray ang kanyang mga anak.

Matatandaang sa mga unang post at video ni Zeinab, makikita kung gaano na napamahal ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia sa kanilang Daddy Ray.

Malapit na ang dalawa sa ngayo'y nagpapatibok ng puso ng kanyang Mommy Zeinab.

Samantala, narito ang kabuuan ng post na may lampas 160,000 positive reactions sa loob lamang ng halos dalawang oras.

Read also

It's Showtime hosts, magkakasamang nagbakasyon sa Hong Kong

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.6 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs lalong-lalo na pagdating sa pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak. Gayundin ang pagmamalasakit niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid at maging ang bumubuo ng kanyang 'Team Zebbies na itinuturing na rin niya talaga na bahagi ng kanilang pamilya.

Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, naibahagi nito kung paano siya napaiyak dahil kay Lucas. Nilarawan ni Zeinab na halos madurog umano ang kanyang puso nang malaman ito mula pa sa teacher ng kanyang anak. Naibahagi rin niya sa naturang video kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga ni Zeinab ang bunso nitong si Bia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel