Luis Manzano na-prank ni Alex Gonzaga: "Magkakapunitan kami ng marriage contract dahil sa'yo"

Luis Manzano na-prank ni Alex Gonzaga: "Magkakapunitan kami ng marriage contract dahil sa'yo"

- Ani Alex Gonzaga, makikita sa kanyang vlog na takot si Luis Manzano sa kanyang asawang si Jessy Mendiola

- Kinausap na ni Alex si Jessy para maging kanyang kasabwat sa prank na binabalak niya kay Luis

- Sa naturang vlog ni Alex ay dumalaw siya sa bahay ng mag-asawa kung saan kunwari ay hinalikan niya sa labi si Peanut na kunwari ay ikinairita ni Jessy

- Hindi naman maitago ni Luis ang kanyang reaksiyon sa akala niya'y namumuong tensiyon sa pagitan ng kanyang asawa at sa malapit na kaibigang si Alex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinasabwat ni Alex Gonzaga si Jessy Mendiola para ma-prank si Luis Manzano nang dalawin sila ni Alex sa bahay nila. Hindi maitago ni Luis ang kanyang pagkabalisa sa inakala niyang namumuong tensiyon sa pagitan nina Alex at Jessy.

Read also

Kim Chiu, natupad ang pangarap na masampal ni Maricel Soriano: "Sobra po akong natigalgal"

Luis Manzano na-prank ni Alex Gonzaga: "Magkakapunitan kami ng marriage contract dahil sa'yo"
Luis Manzano na-prank ni Alex Gonzaga: "Magkakapunitan kami ng marriage contract dahil sa'yo" (Alex Gonzaga/YouTube)
Source: Youtube

Ani Alex, makikita sa vlog niya na takot si Luis sa kanyang asawa. Nilinaw niya din mataas lang daw talaga ang respeto at pagmamahal nya kay Jessy and Peanut.

Kunwari ay hinalikan niya sa labi si Peanut na ikakairita ni Jessy. Dati pa ay hindi lingid sa publiko ang pagiging maingat ng mag-asawa pagdating sa kanilang anak.

Tila nabunutan naman ng tinik si Luis nang marinig mula kay Alex na "It's a prank!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hirit naman ni Luis, babawi siya ng prank kay Alex.

Alam mo abangan mo ang gagawin ko sa'yo. May prank na ko naisip sa'yp."

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Vice Ganda, napatili nang ilabas ang birthday cake ni Ogie Alcasid: "Aaayy! May Icing"

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate