Xander Schimmer, naglalambing nang bumisita sa ina: "I want to talk to you"
- Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang video ng pagbisita nila sa kanyang yumaong misis na si Jho Rovero
- Aniya, natagalan sila bago mabisita muli si Jho dahil sa matinding pag-ulan kamakailan
- Kapansin-pansin sa video ang pagkikwento ng bunsong anak ni Andrew sa kanyang ina ng mga kaganapan sa kanila lalo na nang makaranas ng baha
- Disyembre nang tuluyan nang mamaalam sa mundo si Jho Rovero na isang taon ding nakipaglaban sa kanyang karamdaman
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naibahagi ni Andrew Schimmer ang muli nilang pagbisita sa yumaong partner niya na si Jho Rovero.
Makikita sa video ng The Schimmers kung gaano pa rin kalambing si Xander, ang bunsong anak nina Andrew at Jho na nagkikwento pa rin sa kanyang Mommy.
Natagalan daw kasi mula nang huli silang dumalaw sa puntod ni Jho dahil sa matitinding pag-ulan at dinanas nila umanong pagbaha.
Katunayan, ilan lamang ito sa mga naikwento ni Xander sa kanyang mommy at hindi pa rin talaga nawawala ang paulit-uli na "i love you" niya rito.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"I really want to play na pero I want to talk to you," ang bahagi ng paglalambing ni Xander sa kanyang mommy.
Narito ang kabuuan ng video mula sa kanilang facebook page na The Schimmers:
Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.
Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings. Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.
Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa. Samantala, bago mag-Valentine's Day, ibahagi ni Andrew ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Jho sa kanyang braso. Ito umano ang paraan ng pag-aalala niya sa misis habang buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh