Lyca Gairanod, sinubukan ang dumpster diving habang nasa Amerika
- Pinasilip ni Lyca Gairanod ang kanyang pagsubok ng dumpster diving habang nasa Amerika siya
- Aniya, pangarap niyang maranasan ang magawa iyon dahil nakita daw ito sa TikTok
- Dagdag pa niya, hindi naman bago sa kanya ang pangangalakal dahil aniya ay trabaho niya iyon dati
- Ayon sa kanya, maghahanap siya ng mga mga gamit na maaari pang mapakinabangan at maiuwi ng Pilipinas
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinida ni Lyca Gairanod ang kanyang dumpster diving experience habang nasa Amerika siya. Aniya, hindi naman bago sa kanya ang pangangalakal dahil aniya ay trabaho niya iyon dati.
Pinasok ni Lyca at ng kasama niyang kumukuha ng video ang isang dumpster truck kung saan nakalagay ang mga tinapon na gamit.
Ayon sa kanya, maghahanap siya ng mga mga gamit na maaari pang mapakinabangan at maiuwi ng Pilipinas.
Sa kabila ng kanyang kasikatan ay tila hindi pa rin nakakalimutan ni Lyca kung saan siya nagsimula dahil inisa isa niya ang bagay na naroroon at halatang sanay sa ganoong gawain.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1. Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.
Kamakailan ay napasigaw si Lyca nang buksan niya ang inabot ni Yassi Pressman sa kanya na dilaw na sobre. Ayon kay Yassi ay pagkain daw ito na natikman niya sa abroad na ang tawag ay rattle snake eggs. Aminado si Lyca na nagagandahan siya sa kulay ng mga ahas ngunit hindi daw talaga niya kayang hawakan ang mga ito. Hindi lingid sa publiko ang hilig ni Yassi sa pag-aalaga sa ahas at sa katunayan ay mayroon siyang alagang ahas sa kanyang bahay.
Samantala, naging emosyonal si Yassi matapos niyang mapakinggan ang pagkanta ni Lyca ng awiting "Kabilang Buhay" ng Bandang Lapis. Ito ay ginamit sa pelikula ni Yassi na "More Than Blue" kung saan nakapareha niya si JC Santos. Ani Yassi, iba pala talaga si Lyca pag kumakanta dahil mararamdaman talaga ang mensahe ng kanta. Si Lyca ang nakasama ni Yassi sa kanyang YouTube segment na #CAReokeWithYassi.
Source: KAMI.com.gh