Pura Luka Vega, tuluyan nang kinasuhan dahil sa kontrobersyal na 'Ama Namin' performance
- Tuluyan nang kinasuhan ang Drag Artist na si Pura Luka Vega dahil sa kontrobersyal na panggagaya niya sa Imahe ni Kristo
- Sinampahan na siya ng kaso ng grupo ng mga Kristyano noon Hulyo 31
- Matatandaang matapos ang nag-viral na video niya ng 'Ama Namin' performance, nasundan pa muli ang naturang panggagaya
- Katunayan, ginawan pa niya ng tila food review ang pagkain niya ng ostya o banal na tinapay ng mga Katoliko
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinasuhan na ang kontrobersyal na Drag artist na si Pura Luka Vega dahil sa umano'y tahasang pangagagaya nito sa imahe ni Kristo sa ilan niyang mga performance.
Ayon sa ulat ng Rappler, nilabag umano ni Pura ang Article 201 of the Revised Penal Code and in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012. Napapaloob din dito ang kaparusahan sa mga nakagawa ng immoral doctrines, obscene publications and exhibitions at indecent shows.
Sinasabing malinaw na paglabag ang nagawa ni Pura sa nasabing artikulo dahil sa kontrobersyal na performance niya na may saliw pa ng remix ng 'Ama Namin.' Para sa mga Katoliko, sagrado ang dasal na ito na tila nagamit lamang 'for entertainment' ng naturang performer.
Sa ulat ng The Filipino Times, ang mga namumuno ng Philippine for Jesus Movement ay siyang umalma sa nagagawang ito ni Pura na nilarawan nilang "not only terribly blasphemous" ngunit masasabing naging dahilan upang maging "devalued" tila maging negatibo ang umano'y imahe ni Kristo.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.
Gumawa ng ingay performance na ito ni Pura dahil sa umano'y paggaya niya kay Jesus Christ at nakadagdag pa sa isyu ay ang pag-awit ng 'Ama Namin' na sagradong dasal para sa mga Katoliko.
Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages. Gayundin si Bataan Rep. Geraldine Roman na bilang kapwa LGBT, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na maaring madamay ang kanilang komunidad.
Sa kabila ng mga pambabatikos na ito, patuloy pa rin ginagaya ni Pura ang imahe ng Poong Nazareno. Isa sa mga pinakabagong video na ginawa nito ay ang pag-rate sa ostya o banal na tinapay ng mga Katoliko. Habang ginagawa ito, nakadamit pa rin niya ng imahe ni Kristo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh