Melai Cantiveros, pinakita kung paano siya alagaan ni Jason Francisco
- Ibinida ni Melai Cantiveros ang pagiging maalaga ng kanyang mister na si Jason Francisco
- Sa kanyang Instagram stories ay makikita ang pagmasahe ng kanyang asawa sa kanyang paa
- Kalakip ng naturang video ay ang pasasalamat ni Melai sa kanyang mister
- Natawa naman siya sa anak nilang si Stela na bigla daw silang kinantahan nito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan ang post ni Melai Cantiveros kung saan ibinida niya ang pagiging maalaga ng kanyang mister na si Jason Francisco. Sa kanyang Instagram stories ay makikita ang pagmasahe ng kanyang asawa sa kanyang paa.
Kalakip ng naturang video ay ang pasasalamat ni Melai sa kanyang mister. Natawa naman siya sa anak nilang si Stela na bigla daw silang kinantahan nito.
Gamit ang kanyang kamay bilang camera ay sinabi pa nito na magpicture daw silang aniya ay 'lovers.'
Hindi mapigilan ni Melai na matawa sa anak nila.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Guys, tawang-tawa ako, si papa nag-massage. Si Stela nagkanta.
Kasalukuyang nasa Korea ang mag-anak dahil sa trabaho ni Melai doon. Ilang araw ding sumailalim sa shooting si Melai at naibahagi niya nga na ngayon ang huling araw ng kanilang taping.
Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.
Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.
Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh