Mela Francisco: ‘Pag sinabing challenge na ‘wag mag-ingay, hindi ko talaga kaya ‘Yun'

Mela Francisco: ‘Pag sinabing challenge na ‘wag mag-ingay, hindi ko talaga kaya ‘Yun'

- Ibinahagi ni Melai Cantiveros ang bagong vlog nilang pamilya na kuha sa kanilang bakasyon sa South Korea

- Sa isang bahagi ng vlog ay kinaaliwan si Mela na nagbahagi ng reaksiyon ng kanyang ama na si Jason Francisco nang manahimik siya

- Ani Mela, natahimik siya dahil hindi niya mapantay ang kanyang buhok na kanyang tinatali

- Nang magpasalamat ang papa niya na tumahimik siya ay sinabi niyang prank lang iyon dahil aniya ay hindi niya kayang tumahimik

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang pamilyang Francisco sa bagong vlog na binahagi ni Melai sa kanilang YouTube channel. Sa isang bahagi ng vlog ay kinaaliwan si Mela na nagbahagi ng reaksiyon ng kanyang ama na si Jason Francisco nang manahimik siya.

Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang Divisoria shopping kasama ang mga anak
Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang Divisoria shopping kasama ang mga anak (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Ani Mela, inaayos niya ang kanyang buhok at nagko-concentrate siya kaya natahimik siya.

Read also

Ogie D, umalma sa producer ng show sa Qatar nina Gigi de Lana, MC at Lassy

"Nagtahimik ako guys kasi nag-aayos ako sa buhok ko. Actually, nagtahimik ako kasi hindi ko ma-concentrate ito, 'di mapantay dito [tali sa buhok]. Tapos naisip ko, prank ko na lang sila. Nagtahimik ako tapos sabi ni papa, anong sabi mo papa?"

Ani Jason, nasabi na lang niyang salamat at tumahimik. Ngunit sinagot siya ni Mela na prank lang niya ang pananahimik.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tapos sinabi ko, 'It's a prank.' Akala niyo magla-last forever na tahimik 'ko, pero hindi, hanggang sa paglaki ko. 'Pag sinabing challenge na 'wag mag-ingay, hindi ko talaga kaya 'yun,"

"Ba't 'di mo ba kayang tumahimik? Tama na kasi," ani ni Jason.

"Daldal siya," sagot naman ng nakababatang kapatid niyang si Stela.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Read also

Ogie sa nagsasabing buntis si Erich Gonzales: "May asawa naman si Erich"

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate