Kiara Takahashi, kinuwentong scripted ang love team nila ni Gino Roque

Kiara Takahashi, kinuwentong scripted ang love team nila ni Gino Roque

- Ibinahagi ni Kiara Takahashi ang aniya'y totoong nangyayari noon sa tambalan nila ni Gino Roque

- Sa TikTok live ni Kiara ay ibinahagi ni Kiara ang aniya'y katotohanan na hindi alam ng mga tao

- Kahit hindi siya sang-ayon ay binahagi ni Kiara kung paano raw plinano lahat ni Gino na mag-click ang kanilang love team

- Sina Kiara at Gino ay parehong parte ng Pinoy Big Brother: Otso at nakilala ang tambalan nilang KiaNo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinunyag ni Kiara Takahashi ang tungkol sa tambalan nila ni Gino Roque, ang KiaNo. Ikinuwento niyang "scripted" at pilit na pagpapakilig nila ni Gino sa kanilang fans.

Kiara Takahashi, binuking na scripted ang love team nila ni Gino Roque
Kiara Takahashi, binuking na scripted ang love team nila ni Gino Roque (@_kiaratakahashi)
Source: Instagram

Marami ang nagulat sa binahagi ni Kiara sa kanyang TikTok live nitong Huwebes ng umaga, July 27, 2023.

Naibahagi niya kung paano raw pinlano ni Gino na makilala pa ang kanilang love team.

Read also

Bea Alonzo, ibinidang ipinagpaplantsa siya ni Dominic: "ganyan po siya magmahal"

Simula raw ng lumabas siya ng PBB house, yung scripted na date lang nila sa tapat ng ABS-CBN ang naging date nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Actually, ever since I got out of the house, the real date was that date doon sa restaurant sa tapat ng ABS-CBN. Pagpunta ko dun, sobrang daming camera, ang sabi may dinner date daw, magde-date daw kami. In short, sobrang scripted.

Pagkatapos daw ng date na iyon ang unang pagkakataon na nagtalo sila.

"I was crying to him and I was telling him, 'You know what I really felt uncomfortable, how you did that because you asked me on a date and hindi ko in-expect na all throughout the date there was a camera na nakatuktok sa atin.'"

Nilinaw naman ni Kiara na hindi niya sinasabing masamang tao si Gino. Maaaring hindi lang daw swak ang mga gusto nilang gawin sa buhay at sa career.

Read also

Heart Evangelista, binahagi ang awiting "Look What You Made Me do"

Si Kiara Takahashi ay nakilala bilang isa sa mga Pinoy Big Brother housemate sa Pinoy Big Brother 8 edition. Nakilala siya bilang ang Singing Surfer ng La Union.

Ibinahagi ng ex-PBB Season 8 teen housemate na si Kaori Oinuma ang isang house tour ng apartment nila sa Japan. Ayon kay Kaori, mas pinili nila ng kanyang ina na tumira sa hindi kalakihang apartment para mas makamura. Ibinahagi niya ang ilan sa mga kwento noong siya ay mas bata pa habang ipinapakita ang ilang bagay na kaugnay sa kanyang karanasan. Umabot sa mahigit 1 milyon ang view ng nasabing video matapos lamang ang isang linggo simula nang ibahagi niya ito sa kanyang YouTube channel.

Sumabak sa Miss Universe UAE ang dating PBB housemate na si Franki Russel. Sa kanyang Instagram post, makikitang handa na si Franki para sa pageant. Si Russel ay bahagi ng 'PBB Otso' noong 2018 at naging bahagi rin siya ng 'FPJ And Probinsyano.' Hindi pa man nagsisimula ang pageant, pinasalamatan na agad ni Franki ang mga nagparamdam sa kanya ng suporta.

Read also

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel