MGI founder kay MJ Lastimosa: "Don't come to Miss Grand anymore"

MGI founder kay MJ Lastimosa: "Don't come to Miss Grand anymore"

- Hindi nagustuhan ni Miss Grand International founder na si Nawat Itsaragrisil ang lumabas na video ni MJ Lastimosa

- Sa naturang video ay tinanong ni MJ ang kanyang guest kung ano ang worst pageant in the Philippines

- Sagot ng kanyang guest na transgender beauty queen na si Maki Gingoyon, Miss Grand daw

- Hindi ito nagustuhan ng MGI founder at nagsalita laban kay Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nagustuhan ni Miss Grand International founder na si Nawat Itsaragrisil ang lumabas na video ni MJ Lastimosa ang isang vlog ni MJ Lastimosa. Sinabihan niya si MJ na huwag itong pupunta sa MGI at pinuputol na nito ang kanilang pagkakaibigan.

MGI founder kay MJ Lastimosa: "Don't come to Miss Grand anymore"
MGI founder kay MJ Lastimosa: "Don't come to Miss Grand anymore" (@mj_lastimosa)
Source: Instagram

Sa isang video, nanggalaiti ang MGI director dahil sinabihang ang MGI daw ang worst pageant. Sa kanyang video sa TikTok, sinabi nito na pinuri pa ni MJ ang Miss Grand.

Read also

Daria Ramirez, nasasaktan sa mga pamba-bash kay Keempee: "Hindi ganun ang anak ko"

“I met her many times. I'm really friendly and offer her a lot of things. She always said, ‘O, Miss Grand is number one and the huge production.’

Aniya, ayaw niya sa mga taong kagaya ni MJ dahil, "below standard and not sincere."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I think we are no more, any more relationship in between MJ and our organization and myself. Don't come to Miss Grand anymore. Okay? We don't know each other from now. I don't want to meet the people like you. It's below standard. It's not sincere."

Si Mary Jean Ramirez Lastimosa o mas kilala bilang si MJ Lastimosa ay isang Filipino-Arabian model, host, actress, TV presenter at beauty pageant titleholder. Kinoronahan siya bilang Miss Universe Philippines 2014 at kumatawan sa bansa sa Miss Universe 2014 pageant at nakapasok sa Top 10 semifinalist.

Read also

Rita Gaviola, engaged na sa kanyang non-showbiz partner

Dumipensa si MJ matapos umani ng reaksiyon ang kanyang komento sa paglalakad ni Miss Universe Thailand Amanda Obdam. Isang video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan maririnig ang kanyang komentong ginaya umano nito ang lakad ni Catriona Gray. Isa si MJ sa mga naroroon sa mismong venue at nakapanood ng live sa naganap na swimsuit competition ng Miss Universe 2020. Nilinaw naman ni MJ na hindi siya nang-aaway at naghayag lamang siya ng kanyang opinyon base sa kanyang nakita.

Sa kanyang Instagram story ay pabirong tinawag ni Rabiya Mateo ang kaibigang si MJ. Ito ay matapos nitong magbahagi ng suporta kasunod ng kanyang pagkadulas sa stage kaya napaluhod ito. Gayunpaman, hinangaan ng marami si Rabiya kung paano ito bumangon at tumayo sa entablado. Biro pa ni Rabiya, narinig niyang tumatawa si MJ nang madulas siya sa stage.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate