KZ Tandingan, naranasan daw harangin ng guard sa sarili niyang concert
- Naibahagi ni KZ Tandingan na naranasan niyang hindi papasukin ng guard sa sarili niyang concert
- Ayon pa sa singer, ito daw ang isa sa hindi niya makakalimutang karanasan
- Tiningnan daw ng guard ang listahan ng mga pangalan at pinakita niya ang kanyang ID ngunit wala daw ang pangalan niya kaya hindi siya pinapasok
- Sa kabila ng nangyari, ayon kay KZ ay na-appreciate nila ang guard dahil ginawa lang nito ang kanyang trabaho
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nakwento ni KZ Tandingan na isa sa hindi niya makakalimutang karanasan ay nang harangin siya at hindi papasukin ng guard sa sarili niyang concert. Sa kabila ng nangyari, ayon kay KZ ay na-appreciate nila ang guard dahil ginawa lang nito ang kanyang trabaho.
Sa guesting niya sa podcast nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac na 'Ang Walang Kwentang Podcast', naibahagi ng mang-aawit ang kakaibang karanasan niyang ito.
Pumasok na lahat ng kasama ko tapos ako na. Concert ko sa MOA Arena, Supreme. Pagdating ko do'n, wala 'yung pangalan ko.
Sinabihan daw siya na wala ang pangalan niya at hindi daw talaga siya pwedeng pumasok.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sabi ko, 'Kuya guard, ako po kasi ‘yung magko-concert.'
Naka-wig daw siya sa concert poster kaya iba ang kulay ng kanyang buhok.
Tinitignan ni Kuya 'yung poster tapos, 'Hindi ka talaga pwedeng pumasok, ma'am.'
Sa kabila ng nangyari, ayon kay KZ ay na-appreciate nila ang guard dahil ginawa lang nito ang kanyang trabaho.
Imbes na may one song na akong na-rehearse… Kulang na lang pakitaan ko na si Kuya guard ng birth certificate, 'Kuya guard, its me!'"
Si KZ Tandingan o Kristine Zhenie Lobrigas Tandingan-Monterde sa tunay na buhay ay kinilala sa bansag na Asia's Soul Supreme. Sumikat siya sa mundo ng showbiz matapos niyang manalo sa The X Factor Philippines noong 2012. Tinanghal din siyang Best New Artist sa Aliw Awards sa parehas na taon.
Kamakailan ay kinumpirma nina KZ at ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang music video na ikinasal na sila. Taong 2019 nang isapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang engagement.
Si KZ ang napiling mang-aawit para kantahin ang isang Disney track na nasa wikang Filipino. Sa kanyang social media post ay ibinahagi ni KZ ang kanyang kagalakan sa pagkakapili sa kanya. Kakantahin niya ang awiting "Gabay" mula sa pelikulang Raya and the Last Dragon na gawa ng Disney. Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netizens at mula sa kasamahan ni KZ sa showbiz.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh