Ogie D, dinipensahan si Dominic Roque: "Bakit naging isyu kung magkano meron ang isang tao?"

Ogie D, dinipensahan si Dominic Roque: "Bakit naging isyu kung magkano meron ang isang tao?"

- Dinipensahan ni Ogie Diaz si Dominic Roque sa mga nagsasabing mas mayaman umano ang fiancée nitong si Bea Alonzo

- Lingid sa kaalaman ng mga tao na may mga negosyo rin si Dominic bukod sa pagiging artista nito

- Hanga rin umano si Ogie kay Dominic sa mga plano nito sa buhay, sa pagmamahal nito sa kalikasan at ang pagkakaroon nito ng sariling production

- Matatandaang kamakailan ay natuwa ang marami sa nakakakilig na marriage proposal ni Dominic sa girlfriend na si Bea Alonzo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Ogie Diaz ang aktor na si Dominic Roque sa mga nagsasabing mas mayaman umano ang fiancée nitong si Bea Alonzo kaysa sa kanya.

Ogie D, dinipensahan si Dominic Roque: "Bakit naging isyu kung magkano meron ang isang tao?"
Bea Alonzo and Dominic Roque (@beaalonzo)
Source: Instagram

Ani Ogie, hindi lamang lantad kaya naman hindi alam ng marami ang tungkol sa mga negosyo ng aktor.

Read also

Zeinab Harake, inaming sa kanya namamalagi si Ray Parks

"Alam naman nating lahat na mas sikat si Bea kay Dominic na mas may pera si Bea kesa kay Dominic. Pero hindi nila alam, si Dominic may negosyo. E ayaw ko nalang isa-isahin, wala pa akong paalam kay Dominic pero may negosyo siya. 'Pag kausap ko siya during pandemic, nagpi-face to face kami ni Dominic, nakakatuwa yung mga plano niya sa buhay, yung pakikipagsapalaran niya sa negosyo at yung pagmamahal niya sa nature. Meron din siyang sariling production," ani Ogie.

Matatandaang kamakailan ay marami ang kinilig at natuwa sa marriage proposal ni Dominic sa kasintahang si Bea Alonzo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Video ng JakBie na magkasama sa GMA Gala, nagpakilig sa netizens

Naging usap-usapan ang panayam noon ni Mariel Rodriguez kay Bea dahil sa mga naging rebelasyon ni Bea. Isa na rito ay ang naging karelasyon niya na halos araw-araw ay binabantayan ang kanyang timbang.

Samantala, ilang mga post nina Bea at fiancé nitong si Dominic Roque ang nagpapatunay kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Isa na rito ang post ni Bea kung saan hindi napigilang magkomento ni Dominic ng 'ganda naman nito' na nagpakilig hindi lang sa kanilang fans kundi maging sa ibang mga nakakita ng post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica